CHAPTER 53

1.3K 115 106
                                    

"She'll be under Hana's tutelage. Ok lang ba sayo, Boss?" Bridgette looked at the papers.

Mula sa pag tingin sa dating pwesto ni Sam ay napaangat ang tingin niya kay Bridgette. Kanina pa siya tulala at medyo magulo ang buhok niya dahil hindi siya halos makatulog kagabi pagkatapos na may mangyari sa kanila ni Christian. She thought for a moment that it was Sam she was making love with. But it was too late to stop. Mabuti na lang at hindi niya naisigaw ang pangalan ni Sam nang matapos siya.

"Akin ka lang..." Amelia whispered and bit those shoulders. She made sure she was making a mark.

It was Sam. She wants to mark Sam as hers. Gusto niya siya lang.

But at the same time, gusto niyang sapakin ang sarili niya. Why didn't she realize it sooner? Bakit hinayaan niyang ibigay pa ang sarili kay Christian?

Sam is the one she wants. Pero paano niya sasabihin kay Christian? She doesn't want him to hate her. Matagal din ang panahon na pinag samahan nila. Ayaw niya ding makasakit ng damdamin. He was even sweet nang ihatid siya nito sa office. Pinag luto din siya nito ng pagkain. Pero hindi niya na ito pinagbigyan nang humiling ulit ito na may mangyari ulit sa kanila kaninang umaga.

Damn it! She bit her lip and closed her eyes tightly. Anong gagawin niya?

Her phone pinged and she opened her eyes to look for it in a moment. Nakita niyang ang message sa kanya ni Christian.

'Good morning Honey!'

Then the screen went blank. She groaned. Wala siya sa mood na mag reply sa asawa.

"Boss? Narinig mo ba ako?" Bridgette took a sneak peek at her face.

Kumunot ang noo niya. She looked at Bridgette na hindi na mapakali sa pwesto nito.

"Bakit hindi magiging ok sakin?"

"Well..." Bridgette bit her lip. "Hana's a well-known lesbian and she's out and opens. B-Baka---"

"W-What?" Amelia stood up. Ramdam niya agad ang pag akyat ng dugo sa ulo niya. "B-Bakit hindi mo agad sinabi sakin?"

Bridgette's hold on the folder tightened. "Hana is the only one capable among the head, Boss. Pero kung gusto mo siyang ilipat sa ibang head. I'll---"

Amelia put her hands up in the air. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang daga sa dibdib niya. She couldn't quite breath properly. Damn it! Bakit parang nagkakaroon ata lagi nang problema?

What did she put herself into?

Ayaw niya namang alisin kay Sam ang pagkakataong ma-train ito under someone who could do a good job other than her. Bakit kasi hindi niya naisip noon na ganun pala ang Admin Head? Ganun ba siya kawalang paki noon and she just wans to hire the best people?

Naikuyom niya ang kamay niya. Sana lang ay hindi nito landiin si Sam dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya.

"When will Sam start?"

She pursed her lips and closed her eyes tightly bago tumalikod kay Bridgette. But she clearly saw Bridgette's smirk kaya naman lumingon ulit siya dito. Kunot na ang noo niya.

Inaasar lang ba siya nito? "Why are you silently laughing, Bridge?"

Her voice sounded stern pero lalo lang lumawak ang ngiti nito.

"Niloloko mo lang ba ako? Hindi talaga lesbian yang si Hana ano?"

She had seen the Admin Head. Mukha namang babaeng babae ito. Madalas pa nga itong mag suot ng mga dresses. Wala siyang makitang bakas ng pagiging lesbian dito.

Seducing Samantha Del Rio - CompletedWhere stories live. Discover now