CHAPTER 34

1.4K 86 37
                                    

"Sam!"

Agad na napatingin si Sam sa pinagmulan ng boses nang maramdaman niya ang pag alog sa balikat niya.

"B-Boss?"

Napatingin pa siya sa paligid and she realized that it was already dark. Nakatulog pala siya habang nag babantay sa Dad niya. She rubbed her eyes and looked at the clock. 7 pm pa lang.

"Here. I bought you a changed of clothes. Bago ang mga iyan at agad kong ipina-laundry at pina-dry. Bumili na din ako ng fastfood diyan sa kabilang kalsada dahil alam kong hindi ka pa kumakain." Amelia lifted the two plastic bags and handed one to her.

Pumunta naman ito sa lamesa at binuksan ang mga laman nun. Agad na kumalam ang sikmura ni Sam.

Then she noticed that Amelia also brought a basket of fruits na ngayon ay may mga oranges at apple na hindi masyadong nakain ang nasa lamesa.

Napatingin si Amelia sa tinitingnan niya.

Amelia winced. "He woke up pero sabi niya wag ka na daw muna naming istorbuhin sa pag tulog. Alam niyang pagod ka at galing tayo sa biyahe. But he already ate and he was lively habang nakikipag kwentuhan."

Sam looked at her father. Umangat ang gilid ng labi niya. Hindi na masyadong maputla ang itsura nito at medyo hindi na din dry ang labi.

She looked at Amelia and smiled. Mabuti na lang at andito ito. Thank you, Amelia.

"He doesn't want to disturb my sleep?" She cleared her throat and looked away. Ramdam niya ang pag iinit ng pisngi niya.

"Uh huh." Tumango si Amelia at ibinigay sa kanya ang isang tupper ware. "Here. Kumain ka."

Sam looked at Amelia. Napatitig siya dito dahil hindi niya akalain na babalik talaga ito at inaasikaso pa sila ng Dad niya. A warm feeling made its way to her heart. Her heart felt like it was about to explode right now. Habang tinititigan ito. She never felt this way with anyone. Pero ang effortless para kay Amelia na patibukin ang puso niya at pasayahin siya.

Hindi niya na napigilan ang sarili niya. Inilapag niya sa lamesa ang iniabot nito at niyakap ito ng mahigpit. Saglit na nanlaki ang mga mata nito pero agad ding kumalma.

"Thank you for being with me, Amelia."

"G-Ginugulat mo naman ako, Sam." Pagkasabi nun ay tinapik nito ang braso niya.

Napakagat labi si Sam para pigilan ang tawang kakawala sana sa labi niya. Pinanlakihan siya nito ng mga mata at siya naman ay hinimas himas ang hinampas nitong braso niya. Kahit pala maliit ang kamay nito ay masakit itong mamalo. She felt the sting from that slap.

She could already imagine Amelia spanking their child kapag makulit ito. If it would ever be a reality.

Sumilay ang lungkot sa mga mata niya at iniwas niya ang tingin dito. "You should go home and sleep, Boss. Maysado ka nang naabala. I'm sorry."

"It's ok, Sam basta ayos lang kayo ni Mr. Del Rio. He was after all the major stockholder of my company's share."

There it is. Nag mula na sa labi nito kung bakit ito nandito ngayon. Her father was a major stock holder in Amelia's business. Mahalaga dito ang dad niya sa bagay na iyon.

Sam didn't say a word and pursed her lips.

Kung kaya siya nitong pasayahin. Kaya din nitong mapababa ang mood niya sa lahat ng gagawin at sasabihin nito. Her heart ached.

Napahawak siya doon.

"I'll get going then. Magpahinga ka din kung may oras ka. You should call the nurse. Baka ngayon ay nakapagpahinga na iyon ng maayos."

Seducing Samantha Del Rio - CompletedWhere stories live. Discover now