CHAPTER 41

1.3K 91 11
                                    

Sam bit her lip and looked at the screen of her phone. Pagkatapos niyang layasan si Amelia ay para siyang tanga na inaantay ang message nito. But there was nothing. It was close to midnight pero hindi pa din siya makatulog at wala pa ring message galing dito.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya. Natitiis siya nito but she can't do it to Amelia.

Pagod siya dahil pumunta pa siya sa ospital para dalawin ang Dad niya but she was still waiting for Amelia's message. She knew that she was the one who walked out pero hindi niya kayang makita na si Christian pa rin ang pinipili nito.

She saw that message. Christian's profile picture was displayed on Amelia's social media. And it popped up na agad nitong ni-reply-an. 

Naikuyom niya ang kamay niya. She curled her fingers until her knuckles became white.

Paano ba siya napunta sa sitwasyon na ito? She let herself fall harder and deeper in Amelia. Ngayon ay hindi niya alam ang gagawin niya. Should she confess?

Napatitig siya sa phone niya then she remembered Cha. Her bestfriend is so busy at minsan lang sila makapag kwentuhan. Maybe Cha had and advice on what she should do.

Tulog na kaya ito? She checked Cha's social media at naka-online pa ito. Sam wetted her lips. Napapikit siya ng mariin at pinindot ang call button.

Mayamaya pa ay nag ring na ang cellphone niya and Cha answered.

"Hello?"

"C-Cha?"

"Sam?"

"Pasensiya na gabi na. But I need to ask you something."

"No. Ako dapat ang mag pasensiya sa sobrang busy ko. Ni hindi kita masamahan sa pag dalaw kay Tito. But I will make sure na sasamahan kita."

Huminga siya ng malalim. Her heart and brain had been in turmoil for these past few days. Kailangan niya na talagang sabihin ito sa iba o sasabog na siya.

"What is it, Sam?"

Ramdam niya ang pag aalala sa boses nito sa kabilang linya. Cha is a good friend at alam niyang masyado lang itong naging busy kaya minsan ay hindi siya nito kinakamusta but when they do talk. It would always feel like there was no gap between them.

She opened her mouth to say something pero hindi niya alam kung saan siya mag sisimula. Her breath hitches as she tried to open her mouth. Napalunok siya. Mahirap din palang umamin sa bestfriend mo na nahulog ka sa maling tao. Sa isang babae at sa asawa pa ng dati mong kalaguyo.

"Is it about Mrs Montenegro?"

There it is. The truth slapped harder than what Amelia told her.

"I-I still don't know what we are."

Sa sinabi nito ay parang gumuho ang mundo niya. The truth is Amelia is married and what they are doing is forbidden and dangerous. Alam niyang pwede silang kasuhan ni Christian ng adultery. But now she doesn't know what to do dahil parehas niyang tinuhog ang mag asawa. But she was through with Christian. Hindi na siya babalik doon pero hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya magawang lumayo kay Amelia.

Did she really fell hard? Kinain niya na ba ang mga sinabi niya noon na hinding hindi siya ma-i-inlove dito? Na hindi siya papatol dito?

Her chin began to tremble.

"Sam?"

"Y-Yes?"

"It's Amelia Montenegro, isn't it?"

Tumango siya pero hindi nito iyon kita. "Y-Yes."

"Shit. You fell for her."

Sa sinabi nito ay mabilis na tumibok ang puso niya. It was about to burst out of her chest. Kahit wala dito si Amelia kay dali lang na tumibok ang puso niya. Marinig niya lang ang pangalan nito at maalala ito ay para na siyang aatakehin sa puso. She can't help but smile and be sad at the same time.

"H-Hindi ko alam ang gagawin ko, Cha."

"Did you confess?"

"H-Hindi. I-I don't think she loved me the way I loved her."

Cha sighed. "Hindi mo malalaman ang sagot sa tanong mo hanggang hindi mo sinasabi yan sa kanya. Bakit natatakot kang sabihin sa kanya?"

Kumunot ang noo niya at marahas siyang napabuga ng hangin. "Cha. She's still married to Christian. Tinuhog ko ang mag asawa Cha. Now I don't know what situation I am in."

Sa sinabi niya ay tumawa ito sa kabilang linya. Kung nasa harap niya lang ang bestfriend niya ay siguradong nahampas niya na ito sa braso. Nahihirapan na nga siya ay tinatawanan pa siya nito.

Hindi siya kumibo hanggang matapos ito sa pag tawa. Cha cleared her throat.

"Seryoso. You are the one who put yourself in that predicament. But the fact is Amelia is married at si Christian naman ang asawa niya. Ang dati mong kalaguyo. So either sabihin mo kay Amelia ang nararamdam mo o itago mo na lang yan. Habang buhay kang maging mistress ni Amelia hanggang mag sawa siya sayo. O ikaw ang kumapit hanggang sa masaktan ka at tuluyan ng bumitaw."

"Grabe namang advice yan." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Imbes na magkaroon ng linaw ang lahat sa kanya ay parang lumabo pa.

"Hindi Sam. Madali nga lang ang advice ko eh. Confess to Amelia how you feel and see what she felt about you. Mula dun isipin mo na ang susunod mong gagawin."

Napakagat labi siya. Her hands started sweating and her heart started beating fast. Parang lalaki ang ulo niya sa isiping sasabihin niya dito ang nararamdaman niya. Sa isipin pa lang na lalayo ito sa kanya ay parang hindi niya na kaya. She wasn't like this with Christian. Bakit kay Amelia pa? Bakit sa babae pa na alam niyang pag hihigante lang ang dahilan kung bakit siya pinatulan? She didn't like girls in the first place. Bakit ito lang ang exception?

"N-Natatakot ako Cha."

"Sam. Ang pagibig sugal yan. You will either get pain or happiness. Pero kung ano man ang maging resulta. I will be here for you. Iinom natin ng yakult yang heartbreak mo."

"Heartbreak agad? Tsaka bakit yakult?"

"Eh I am preparing for the worst case scenario." Cha chuckled. "Yakult kasi bagong buhay na tayo. Di na dapat tayo umiinom at nag p-party."

"Puro ka kalokohan." Napailing iling si Sam at napangiti. Talking with her best friend about her situation made everything a little lighter. "But thank you for the advice."

They talked about other things for a while. Pero hindi pa rin maalis sa isip ni Sam ang lahat nang nangyari. Totoo ang sinabi ni Cha. She was the one who put herself in this predicament.

Madaling sabihin pero mahirap gawin ang ipinayo nito sa kanya. Sana ay bigyan siya ng lakas ng loob na umamin kay Amelia. At sana ay hindi si Christian ang piliin nito. But she doesn't know what Amelia thinks. Minsan ay nararamdaman niyang nag kakagusto na din ito sa kanya but Amelia is still confused. Hindi niya alam kung kakayanin niya ang rejection mula dito.

Ayaw niya na din munang isipin ang kondisyon ng Dad niya na nasa ospital. She can't take another heartbreak kaya ayaw niyang umamin muna. She wants to tend to her Dad too.

Sam sighed. Ipinikit niya ang mga mata niya. Nakapag desisyon na siya. She'll give Amelia the time she needed to think at bibigyan niya din ang sarili niya na makasama ang Dad niya sa mga nalalabi nitong araw.

Sana pag sinabi niya na kay Amelia na mahal na niya ito. Handa itong tanggapin siya at suklian ang pag ibig na ibibigay niya para dito. 

Seducing Samantha Del Rio - CompletedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt