CHAPTER 55

1.2K 97 24
                                    

Amelia looked at Sam's way. Kagat kagat niya ng mariin ang labi niya. Gusto niya sana itong kausapin pero mukhang ayaw naman siya nitong tingnan man lang. Kanina pa sumisikip ang dibdib niya. Gusto niyang yakapin si Sam. Ang lapit lang nito pero parang ang layo pa din.

Hindi niya alam kung bakit. Is it because of that Admin Head? Kumunot ang noo niya nang maalala niya ang naabutan sa office ni Ms Torres.

It looks like Sam is oblivious to what Hana was doing. Mabuti na lang dahil kung hindi ay siguradong makakalbo niya ang Hana na iyon or worse she'll fire the Admin Head. Pero hindi naman siya ganung klase ng tao. Kung wala namang company violation ay wala siyang rason para alisin sa trabaho si Ms Torres.

"Stop it, Boss. Let's be professionals here."

She sighed. Professional huh? There are so many unprofessional things running through her mind right now habang nakatingin dito. Bumaba ang tingin niya sa legs nito na expose sa suot suot nitong mini-skirt. Then to that cleavages na kitang kita sa hakab nitong fitted blouse.

Gusto niyang sabihin na ito na ang pinipili niya. But how could she get the timing wrong? Bakit galit ito sa kanya samantalang ito nga ang madaming babaeng umaaligid sa paligid nito.

Because you are still married.

She sighed. Yun pa nga pala ang inaalala niya. Kaya nga kanina ay hindi niya na ito kinukulit. Though she really wants to kiss those lips and hug Sam dahil talagang miss niya na ito. She missed Sam's body and warmth. Miss niya na din ang mga messages nito sa umaga at sa gabi. Miss na niya ang landian nila. Sam is the only one who could brighten up her day kapag nag m-message ito.

Lumamlam ang mga mata niya. But she chooses to look away nang mag angat ito ng tingin.

Ayaw niya munang kulitin ito dahil alam niyang hindi pa siya pwede. She knew she ought to say to Christian about her plan of filing a divorce but she didn't know if she'll be able to say it to him right away. Nag iipon pa siya ng lakas ng loob.

Maybe it's for the best na hindi muna niya sabihin kay Sam ang plano niya dahil hindi niya alam kung kakayanin niyang wag itong angkinin. Hanggang wala pa sa kanya ang divorce paper ay hindi muna niya ito kukulitin. Mag kakasya muna siya na tingnan ito sa malayo. At syempre bantayan sa mga kagaya ni Hana.

Tumunog ang phone niya and Amelia groaned nang makitang message ulit iyon ni Christian. She put down the documents she was reading. Tiningnan niya ang message nito.

'Honey. Sunduin kita diyan ha? Sabay na tayong mag lunch.'

She tilted her head debating if she's going to answer that. Pero sa huli ay kinuha niya ang phone niya. She can't just ignore Christian for now. Pero kapag nasabi niya na dito ang lahat. She'll make sure that Christian won't text her this kinds of messages anymore. Kung mangagaling pa kay Sam ay siguradong tatanggapin niya.

Sa naisip ay bumagsak ang balikat niya at napatingin siya sa pwesto ni Sam. Hindi siya nito mini-message man lang. Kagaya ng dati nitong ginagawa. Miss na miss na niya ito.

Halos mapapadyak siya nang makitang hindi man lang siya nito nilingon. Malapit na siyang mag selos sa mga files at folders na nasa lamesa nito.

Mag seselos kaya ito kapag nag message siya kay Christian? She took her phone, opened the message and typed a quick reply. 'Ok.' Tinitingnan niya ang mukha ni Sam pero napalabi siya nang hindi talaga ito tumitingin sa pwesto niya.

She hit the sent button at malakas na inilapag ang phone niya sa lamesa. Napataas ang kilay niya nang hindi man lang talaga ito nag angat ng tingin kahit ang lakas na ng pag bagsak niya.

Seducing Samantha Del Rio - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon