CHAPTER 57

1.2K 88 17
                                    

Napataas ang kilay niya nang makita ang pag pisil ni Hana sa kamay ni Sam. Though si Sam naman talaga ang nauna na humawak sa kamay nito but still it irritated her.

Kung hindi niya lang kasama ang asawa ay kanina niya pa hinila si Sam sa malanding Admin Head. Kailangan niya na talagang makausap si Sam, pero paano? Iwas na iwas naman ito sa kanya! How can she talk to Sam alone? Kailangan niya na ba itong kidnap-in? But it was just too much even for her. Sigurado siyang maiinis lang si Samantha sa kanya sa gagawin niya.

She gritted her teeth. Samantha. Kapag ikaw talaga di lumingon. She closed her hands tightly into a fist.

"Honey? Are you ok? Hindi ba masarap ang pagkain dito?"

Amelia forced herself to look away. Kahit kanina pa sumasakit ang mga mata niya sa nakikita sa harap. Inaabangan niya kasi kung lilingon si Sam sa kanya. But Sam didn't even look at her once. Fine! Bahala ito. Lagot talaga ito sa kanya kapag nasolo niya ito mamaya!

Ibinaling niya ang tingin kay Christian. Kunot na kunot ang noo niya. Kaya naman napaawang ang bibig nito.

"Nawalan na ako ng gana."

Christian's shoulders drop. Napalabi din ito. "I'm sorry. I should have asked you if you prefer this restaurant. Gusto mo bang bumili na lang ako ng cheese burger?"

Amelia sighed and she shook her head. She doesn't know what to tell him. Paano niya nga ba sasabihin dito ang lahat? Ang dami niya pang iniintindi. Malapit na din ang team building at may mga problema sa mga hotels sa ibang branch na kailangan niyang asikasuhin muna. She also need to call her lawyer to file a divorce. Hindi niya alam ang uunahin.

Inilagay niya sa sentido ang kamay para hilutin iyon. Maybe she needs to delegate some duties to her husband again.

"Christian. Pwede bang makahingi ng favors sayo?"

He immediately lit up. Pinunasan nito ang bibig at ngumiti sa kanya. "Anything, Honey."

"Can you oversee the other branches of the hotel? I need to focus on other things at hindi ko na ata kayang sapain lahat."

"Oh...alright. I'll do that."

Tumango tango pa ito at hinawakan ang kamay niya. He squeezed it and Amelia didn't feel any sparks at all. Wala na talaga siyang nararamdaman sa asawa. Hindi niya alam kung bakit nalulungkot siya sa nangyari sa kanilang dalawa. Nalulungkot siguro siya dahil hindi na niya ito mahal at nanghihinayang na lang siya sa pagkakaibigan nila noon.

"It would be a swift pain if you tell him that you are already divorcing him, Boss." Bridgette sighed. "Kapag pinatagal mo pa. He would still get hurt."

Biglang pumasok sa utak niya ang sinabi ni Bridgette. Tama ito. She shouldn't prolong the pain any longer. Kailangang malaman ni Christian na hindi niya na ito mahal at si Sam na ang mahal niya. Sam should also know what she felt, dahil kung hindi baka maagaw na ito ng iba and she doesn't want that to happen.

Hindi niya alam ang gagawin niya kapag nagkataong mapunta sa iba si Sam. She knew she'll do what ever it takes to get her back.

Muli siyang napatingin sa dalawa at nagtama ang mga mata nila ni Sam. Bumaba ang tingin nito sa magkahawak nilang kamay ni Christian na hindi pa pala niya naaalis.

Para siyang biglang napaso. Amelia quickly stood up and took her hands back. "C-Cr lang ako, Christian."

She quickly made her way to the comfort room. Hindi niya na tiningnan si Sam dahil feeling niya nagtataksil siya dito kahit na wala naman talaga silang label.

Pagdating sa c.r ay napasandal agad siya sa sink. Then she put her two arms on the tiles. How did Sam make her into a mess? Isang tingin lang nito ay parang bibigay na ang tuhod niya. Ramdam niya pa din ang panginginig ng mga paa niya at kamay. Those eyes could burn her and she won't even complain about it.

Sumilip siya mula sa comfort room at bumagsak ang balikat niya nang makitang wala na doon sina Sam at ang Admin Head. Christian was there looking at where the comfort room is. Amelia fix her hair bago siya pumunta sa pwesto ni Christian.

"Let's go?"

Christian stood up. "Sure ka bang di ka na kakain?"

Amelia couldn't help the irritation to show on her face. "Christian. I already told you kanina na nawalan na ako ng gana. Ano ba dun ang hindi mo naintindihan?"

He looked shocked for a moment. Yumuko ito. "S-Sorry."

She sighed. Hindi niya dapat binabaling sa ibang tao ang inis niya. "I'm sorry too. I-I shouldn't have said that."

Christian nodded his head. Nauna na ito at sumunod na lang siya. She took her phone out and quickly made a text message.

'Sam. Let's talk.'

Hinatid siya ni Christian pabalik sa office at pumasok pa ito sa loob. Amelia quickly looked at Sam's table pagpasok niya. But Samantha is nowhere to be seen. Naningkit ang mga mata niya.

Christian pulled her closer pero iniwas niya na agad ang mukha niya. Kaya sa pisngi niya lang nag landing ang halik nito. He looked hurt pero hindi niya na kayang lokohin ang sarili niyang gusto niya ang mga halik nito. She wants someone else's lips and it would be unfair to him if she uses him again for the second time. Tama na ang isang beses.

Bagsak ang balikat na lumabas ito ng office niya.

Amelia exhaled the breath she was holding. Pumintig ang ugat niya sa sentido. It's time to let everything go back to its rightful place in her life. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at agad na nag dial nang number.

She didn't look at her phone kahit pa tumunog iyon. It's a tone for a new message pero mamaya niya na titingnan.

When the dial tone stopped, a woman's voice on the other line immediately greeted her.

"Hello? Mrs. Montenegro?"

"I want the pre-nuptial to take effect. And I want to file a divorce from Christian Montenegro."

Sandaling tumahimik sa kabilang linya kaya tiningnan niya ang screen ng phone para tingnan kung ibinaba na ba ng abogado niya ang tawag. But it was still going. Kunot ang noon a ibinalik niya ang cellphone sa tenga niya.

"Ms Arguelles?"

"Yes. I'm here. When do you expect to file the divorce?"

"As soon as possible."

"Noted, Mrs Montenegro. Or should I already call you Ms Choi?"

Amelia smiled. "Huwag nating pangunahan muna ang lahat. Thank you. Ms. Arguelles."

"Welcome, Amelia."

Pagkatapos nun ay pinatay na nito ang tawag. Amelia quickly opened the contents of the message nang maalala iyon. Maybe it was Sam. But it wasn't.

She bit her lip hard nang makita ang message ni Christian.

'I'm sorry. Siguro bumabawi ka na sa mga kasalanang nagawa ko noon. But I'll be patient. I'll be waiting hanggang sa mapatawad mo ako Amelia. Mahal na mahal kita.'

Ah! Damn it! Amelia messed her hair up. Mas madali siguro ang lahat sa kanya kung alam niyang ganun pa din ang gawi ng asawa but he really was a changed man. Hindi niya alam kung anong nangyari dito sa pag punta nito ng abroad but she sometimes wished that he was still that man that she sent 6 months ago. Para hindi siya ngayon nahihirapan.

Pinili na lang niyang wag itong reply-an. She doesn't know what to tell him anyway. Tiningnan niya ang message niya kay Samantha pero hanggang ngayon ay wala pa ring reply galing dito.

She put the phone down on her table. Wala din naman kasing kwenta dahil hindi naman nag r-reply si Sam. Kaya hindi niya na muna ito i-m-message.

Alam niya din naman kung saan hahanapin si Samantha. Malamang ay andun na naman ito sa office ni Hana.

Napatiimbagang siya sa naisip. Naalala niya kasi bigla ang paghawak kamay ng dalawa. Baka kung ano na ngayon ang ginagawa sa office ni Ms. Torres. Lagot talaga sa kanya si Sam. Ilang araw na nitong pinapaikli ang pisi niya. 

Seducing Samantha Del Rio - CompletedWhere stories live. Discover now