CHAPTER 60

1.3K 88 31
                                    

Nagulo ni Amelia ang buhok niya.

Para siyang sinuntok ng paulit ulit sa dibdib dahil sa sinabi ni Sam sa kanya kagabi. Akala ba nito kaya niya ito hinalikan ay dahil sex lang ang habol niya? Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin siya kilala ni Samantha? She put all her feelings in that one kiss. Para ipadama dito ang nararamdaman niya but it wasn't enough.

Naikuyom niya din ang mga kamay niya. Fine! Kung ayaw siya nitong kausapin. She'll plan something at the team building para masolo niya ito. Then she'll tell Samantha what she really felt.

Amelia looked at Sam across the huge room. Nag tama ang mga mata nila but she didn't look away. Lumamlam ang mga mata niya. Miss na miss niya na ito. But after that incident in the parking. Ang sakit sakit ng dibdib niya kaya nag papahinga muna siya. She doesn't want to face another rejection from Sam again. Baka ikamatay niya na. Ganun kasakit sa dibdib ang sinabi nito sa kanya. If only Sam knew that she already did that with her husband and in the end she wanted to shout Sam's name so badly. Kaya paano nito naihiling sa kanya iyon?

"Please stop bothering me, Mrs. Montenegro. Kung tawag lang ng laman ang hanap mo. Why don't you do it with your husband then?"

Umalingawngaw na naman sa isip niya ang sinabi nito. Kaya naman napalabi na siya. Kung alam lang nito. Hmmph!

Ito na ang kusang nag alis ng tingin.

"Ready na po ba ang lahat? Let's go!" The team leader assigned for the team building started to lead all the staff outside of the hotel. It would be a 2-days team building. She closed the hotel down for that 2 days at isa iyon sa treat niya sa mga empleyado dahil malaki ang naging profit nila mula sa advertisement na ginanap noong nakaraang linggo. The first day is for the games and the second day is for socializing.

Amelia went on to board the second van. She told Bridgette na ayaw niyang bigyan siya ng special privilege for today dahil team building naman. Ayaw niyang mailang ang mga staffs niya at ituring muna siyang ordinaryong tao ngayong araw but it wouldn't really the case. May iba pa din na pinagbigyan siya.

Lalo na nang sabihin niya sa driver na sa van kung asan si Sam siya sasabay.

Napasimangot agad siya nang makita na magkatabi na si Sam at si Hana. Nasa gilid si Sam sa kabilang side at si Hana ang nasa gitna. May nakaupo na din sa gilid ni Hana.

Amelia looked at Hana's way to make her move pero hindi ito natingin sa kanya. As if oblivious that she was looking. Pero kita niya naman ang panginginig ng mga kamay nito sa hawak hawak nitong bag.

She smirked pero Hana is getting on her nerve. Para itong malaking wall na ayaw siyang palapitin kay Samantha. Napatiimbagang siya. Gustong gusto na niya talagang i-fire ito sa trabaho but the Admin Head had done a good job on her part at ayaw niya namang mawalan ng valuable na tao.

So Amelia looked at the person on Hana's right side. Mukhang na-gets nito ang ibig niyang sabihin at agad na ibinigay sa kanya ang upuan nito.

She knew that Hana wouldn't gave her the center dahil gusto nitong laging nakadikit kay Sam.

"Thank you." Ngumiti siya ng matamis dito.

"W-Walang anuman po, Mrs. Montenegro."

She looked at Sam's way pero nakahilig na ang ulo nito sa bintana habang may nakasaksak na headset sa tenga nito.

Amelia sighed. Alright. She'll pretend that she will let Sam do whatever she wants pero pagdating sa isla. She'll find a way para masolo ito.

------------------

"Bridge!" Pagkadating ng van nila sa isla ay agad siyang sinalubong ni Bridgette. Nauna na kasi ito sa isla para asikasuhin ang mga kailangan para sa team building.

Seducing Samantha Del Rio - CompletedWhere stories live. Discover now