CHAPTER 62

1.4K 139 97
                                    

Amelia smiled wider nang mapunta sa team niya si Sam.

Nakita niya ang pagkagat nito ng labi nito and her eyes dropped. Pero napaiwas din siya nang tingin nang mag angat ito ng tingin at magtama ang mga mata nila.

Her heart hammering against her rib cage. Ibinaling niya ang tingin sa buong team. Noting all the while were Sam is.

"Ok, guys and girls. Gather up!"

Sinunod naman siya ng mga ito. Sam's face was blushing pero siguro dahil na din sa sobrang init. She herself was also blushing hard. Sa puti niyang ito siguradong para na siyang kamatis.

She made them form a circle and she told them their strategy. The strategy was simple; they should point their feet forward. Hold the rope near their body's centre and pull the rope with their back lying low and their head facing the sky. Kapag napagod na ang kalaban. They should pull harder in a rhythmic pattern.

They successfully did it and their team wins again. They did several games hanggang sa gumabi na. They set up a tent near the ocean and grilled kinds of seafood. May bonfire din na tuwang tuwa ang mga staff na naupo. Some of them formed their usual groups and took bottles of beer with them. She was really happy na nag enjoy din ang mga staff.

She looked at Sam on the other parts of the room. Hindi naman siya nito tinataboy. Mukhang ayos lang dito kanina na magkadikit sila from time to time. Malamig na ba ang ulo nito since last time?

Amelia quickly stood up nang makitang nawala na sa tabi ni Sam ang haliparot na Admin Head. Ipinatong niya muna ang hawak na beer na kanina niya pa iniinom sa lamesa.

She was about to make her way to Sam nang hawakan siya ni Bridgette sa braso. "Saan punta, Boss?"

Amelia's eyes darted towards Sam making her way out of the small tent. "Susundan ko si Sam. Kakausapin ko na Bridgette. Di na ako makapag antay sa plano mo eh!"

Nag alala ang mukha nito. "I heard from Vincent an incident that happened here nung magkasama kayo ni Sam. Ayos lang ba talagang mag isa ka?"

Amelia smiled. Mabuti na lang at talagang may mga taong concern din sa kanya. "Don't worry. I can take care of myself. Susundan ko lang si Sam. If ever man na may humatak sakin. Sisigaw ako ng malakas. Sam will surely come to my rescue."

Bridgette sighed. "Alright. Go get your girl."

Tumango siya dito at mabilis ang mga hakbang na pinuntahan si Sam. Sinundan niya ito nang maglakad lakad ito sa dalampasigan.

"Sam!"

Lumingon ito sa kanya and Amelia's world stopped. Tumibok din ng malakas ang dibdib niya habang nakatingin dito. Sam's long hair is being swayed by the wind and she looked so beautiful against the dark silhoute of the whole place. Naka suot pa rin ito ng bikini nito and Amelia couldn't help but appreciate Sam's body.

Tumikhim siya at nag iwas ng tingin. Baka iba na naman ang isipin nito kapag tinitigan niya ang katawan nito.

"Boss..."

Napapikit siya. She doesn't want to screw it up. Kaya huminto siya ilang metro ang layo dito. She's afraid that Sam would run away again.

"C-Can we talk in private?"

Sam looked at her. Kagat kagat nito ng mariin ang labi nito. Sa huli ay tumango din ito. Amelia couldn't help the happiness she felt. She couldn't even describe the warmth in her heart right now. It was consuming her. Sa wakas at pumayag ito!

Kaya bago pa mag bago ang isip ni Sam. Nag patiuna na siya. Nakasunod lang ito sa kanya. She went towards the elevator nang marating nila ang hotel. Wala silang kibuan nang umakyat ang elevator papunta sa room na pinag stay-han nila dati.

She looked at Sam's reflection in the elevator. Mukhang may idea na ito kung saan niya ito dadalhin but she doesn't want anyone hearing them dahil kung sa kwarto nila ni Bridgette ay siguradong maaabutan pa sila ni Bridge doon.

"Sam. You told me that you wanted me to think things through." Humarap siya dito.

Sam didn't say anything. So Amelia continued. "Bakit mo sinabi yun? Why do I have to think things through? Do you perhaps---"

Tumunog ang elevator at naputol ang sasabihin niya. Sam's mouth opened pero muli nitong isinara iyon at nauna nang lumabas sa elevator. Amelia walked with Sam and she can already feel her sweat trickle down the side of her neck. Wala ba itong reaction o mamaya ito mag sasalita kapag silang dalawa na lang?

Amelia turned the key to the room they were in before. Everything inside hit her with nostalgia. Sumunod sa kanya si Sam at nakita niya na natigilan din ito habang nakatingin sa paligid.

She couldn't hide the lust that showed on her face. Naalala niya ang ginawa nila ni Samantha sa Jacuzzi and even in bed. But that's not why they went there. Gusto niya lang talagang masolo din ito. After that last time. She wouldn't want another rejection from Sam.

"Amelia."

Napaangat ang tingin niya dito. Ini-lock nito ang pinto at tumingin sa kanya. Sam's eyes are unreadable but she can already see the swirl of different emotions passed those hazel eyes.

"Y-Yes?"

"I told myself that I will move on from you." Kinagat nito ng mariin ang labi nito.

Amelia closed her hands into a fist sa narinig. Biglang nanginig ang katawan niya. Napapikit siya ng mariin dahil parang biglang may sumaksak sa dibdib niya sa sinabi nito. Talo na ba siya agad? Wala pa siyang nagagawa. Nag init ang sulok ng mga mata niya at may tila bumara sa lalamunan niya. She was about to say something nang bigla itong mag salita.

"Pero hindi ko mapigilang isipin ka. You are always on my mind like a constantly repeated song."

"W-What do you mean?" Parang huminto ata ang puso niya sa narinig pero ramdam niya pa naman ang pag tibok nun. Maybe because it was beating slow that she thought her heart had stopped. Unti unting sumibol ang pag asa sa dibdib niya sa narinig mula dito. It means that Sam still wants her. Is it possible that Sam is also falling for her?

Sam wetted her lips and Amelia's eyes dropped down.

"I-I...." Umiling ito saglit at pag angat nito ng tingin sa kanya ay matigas na ang panga nito. "Tell me what you want to say first."

Amelia walked closer to Sam. Umatras ito at napasandal sa nakasarang pintuan. She put her two arms on either side of Sam and looked deep into those hazel-brown eyes.

"Sam...." Napalunok siya nang makita ang pag lunok nito. Then her eyes travelled to those lips. Lumamlam ang mga mata niya. But she knew that it's a dangerous game she was playing. Baka itulak na naman siya nito. Huminga siya ng malalim bago tingnan ang mga mata nito. "Ikaw ang pinipili ko Samantha. Mahal kita."

Huminga ulit siya ng malalim dahil parang mawawalan siya ng hininga sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. "I plan on divorcing Chrisitan. So kung makakapag antay ka pa ng kaunting panahon. I'll flaunt you to the whole world. I'll show you that you are worthy to be loved."

Pagkasabi nun ay tila nalaglag ang bigat sa dibdib niya. Napabuga siya ng hangin. She's been keeping that in her heart for a few days. Gusto niyang malaman nito kung gaano ito kahalaga sa kanya. Handa siyang ipag sigawan sa mundo na ito ang babaeng mahal niya.

Saglit na natulala si Sam sa kanya and before she could say anything. Tumulo na ang mga luha sa gilid ng mga mata nito. Sunod sunod ang pag patak nun dahilan para mag kumahog siyang punasan ang luha nito. Pero hindi niya na ata alam ang gagawin nang napahagulgol na ito. Sam's shoulders started shaking. Hinawakan niya ang balikat nito.

"Sam? Anong nagawa ko? May mali ba sa sinabi ko?"

Umiling ito.

"Then why wouldn't you talk?" Frustrated na napasuklay siya sa buhok niya. "Talk to me Sam, please----"

Hindi na siya nakapag salita pa nang hatakin siya nito sa bewang at halikan. Saglit na nanlaki ang mga mata niya but she immediately closed her eyes and savored Sam's lips.

The younger Del Rio nimbled her upper lips and then her lower lips. Hinawakan din nito ang batok niya at pinalalim pa ang halikan nila.

Parehas silang habol ang hininga nang tapusin nito ang halik. Sam put their foreheads together and smiled.

"I love you too Amelia."

Seducing Samantha Del Rio - CompletedWhere stories live. Discover now