CHAPTER 47

1.3K 100 24
                                    

"It's ok, Sam. Wag kang mahiya samin ni Dad. We will take care of Tito." Cha squeezed her hands. "Sana mahanap na yung taong nagtangkang pumatay kay Tito."

Natutulog na ang Dad niya ngayon.  She called her bestfriend after 2 days dahil hindi niya na kayang alagaan ang Dad niya nang siya lang. She needs to attend to some business in the company too dahil biglang may mga problema na kinaharap ang kumpanya. Maybe it was the machination of the Vice-President again.

Iniisip niya nga minsan na siguro pinaparusahan na siya dahil sa pagiging pasaway niya noon sa Dad niya.

"But it was already broadcasted. Hindi ko alam kung sino ang nagpakalat."

Hinilot ni Sam ang noo niya. As much as she tried to hide the truth from the public. Nakita niya na lang sa newspaper na nadaanan niya ang balita tungkol sa tangkang pagpatay sa Dad niya.

She took a stroll to the mall para makahanap ng pwede niyang bilhin na pagkain sa Dad niya para hindi naman ito manawa sa pagkain sa ospital dahil pwede na itong kumain ulit ng solid na pagkain.

Napadaan siya sa isang newspaper sa labas ng mall at bigla niya nga ding naalala si Amelia. There, staring right in her face is the headline about what happened to her father.

Hindi niya tuloy alam kung nakarating kay Amelia ang balita dahil 2 days na ang nakalipas ay hindi pa din ito nagpupunta sa ospital para dalawin ang Dad niya. Mabuti na din iyon para hindi niya muna ito makita. She's not yet ready. Kaya siguro hindi din siya nagmamadaling maiayos ang paghahanap sa mag aalaga sa Dad niya.

"Rodrigo fought some demons in his past, and now it's hunting him again."

Cha's father looked at her Dad. Umiling pa ito.

Sam had to agree with what Cha's father said. Mr Hermano is now a full grown demon about to take over her father's company kung hindi niya puputulin ang sungay nito. May hinala na nga din siya na ito ang nagtangka sa buhay ng Dad niya. She just had to have an evidence to support her claims.

"I just couldn't leave him with anyone else."

Mr De Dios nodded his head. "Ako ang mag aalaga sa bestfriend ko. My daughter could take care of the company anyway."

Pinisil pa nito ang balikat ng anak nito.

"You flatter me too much, Dad."

Sam smiled. Nakikita niya na ang magiging relasyon nila ng ama niya kapag naging maayos na ang kalagayan ito. Maybe this time they would have a father and daughter relationship nang hindi nag aaway at nag babangayan. Just like Cha had with her father.

Pero hindi iyon mangyayari hangga't hindi pa ito nagiging maayos. Ngayon ay may nagtatangka pa sa buhay nito.

Sa naisip ay bumagsak ang balikat niya at sumilay ang lungkot sa mukha niya.

"Sam..."

Napatingin siya dito at agad na kumurap kurap para mawala ang luha na naipit sa lalamunan niya. Her tears are threatning to fall dahil hindi niya alam kung kailan mangyayari ang naisip niya. But she still wants to hope.

Cha stood up. Ngumiti ito sa kanya.

Cha closed her eyes for a moment and looked at her. There was no pity in her best friend's eyes.

"Alam kong ayaw mong kinakaawan ka. So I am just offering you my support." Cha chuckled. "Naging magkaibigan nga tayo dahil di ako naaawa sayo noon. I just kept on teasing you hanggang sa ngumiti ka."

Sam smiled. Naalala niya iyon.

Cha is a chubby kid back then. 9 years old sila nang magkakilala. Medyo pasaway din ito noon. Her bestfriend realized early to straighten her path pero mukhang bumaliko ata si Sam.

Seducing Samantha Del Rio - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon