CHAPTER 30

1.7K 111 26
                                    

Sam opened her eyes and looked towards her right side. The pillow that she put in between them after she got up last night is removed. Muntik na nga niya itong halikan kagabi. Because Amelia's hands are on her breast and moving in circles. Akala niya nga ay gising ito at tina-try na naman na akitin siya. But when she looked back ay malalim na ang pag hinga nito at tulog na tulog na. Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili niya na gapangin ito.

Napangiwi siya but her attention was grabbed by Amelia's sleeping face. Para itong anghel.

How could someone look so pretty despite the messy hair?

Inunan ni Sam ang kamay sa ulo niya para mapag masdan ito ng maigi.

Amelia had a rosy skin. Her boss also looked so fragile when sleeping like this. Para itong baby na walang pakialam sa mundo. It was easy to look at Amelia like this. Kapag nakamulat na ang kayumangging mga mata nito ay para siyang malulunod.

She reached out her hand to remove a stray hair away from Amelia's face.

Hindi niya alam kung ngingiti siya o iiling na lang. Sa huli ay napailing siya. Naalala niya ang kapilyahan nito kahapon. If she was a man, siguradong hindi niya na ito natanggihan. Lalo na ng hawakan na siya nito. Siguradong may tatayo din sa kanya.

But she was no man and Amelia is still in love with Christian. Isn't she?

Sa naisip ay tumalikod si Sam dito but before she could do that. Iminulat na ni Amelia ang mga mata nito.

Natigilan si Sam. Isang pilyang ngiti na lumarawan sa labi nito. She was mesmerized for a moment. Bigla tuloy uminit ang pisngi at tenga niya. Bigla ding lumakas ang tibok ng puso niya. She doesn't know where to look.

Damn it!

"You are looking at me."

Umiling siya agad sa sinabi nito. Her pride wouldn't let her accept what Amelia said.

Lalong lumawak ang ngiti sa labi nito saka inunan ang braso sa ulo nito. Bago pa makakibo si Sam o makalayo dito. Hinaklit nito ang bewang niya.

Saglit siyang napapikit sa ginawa nito. Damn it! Bakit ang smooth nito ngayon? And why is Amelia's breath fresh as last night? Tao pa ba ito? Ang bango ng hininga nito. Amoy baby.

"Aminin mo na, Samantha. You find me attractive that's why you are looking at me." Tinaas baba pa nito ang kilay. "Ganda ko 'no?"

"Hindi naman mabigat ang pag bubuhat ng sariling bangko, boss?"

Sa sinabi niya ay umalog ang balikat nito. Then Amelia threw her head back laughing. Ang carefree ng tawa nito. And Sam couldn't help but stare.

The way those chinky eyes became smaller is such a sight to see. And those dimples popping out na nagpapabata dito. Gustong gusto niya din makita ang pag sigla ng mga kayumangging mga mata nito. It was the most beautiful ornament a woman can wear, sabi nga ng mama niya.

Amelia is so beautiful.

Hindi tuloy mapigilan ni Sam na umangat ang dalawang gilid ng labi niya. She liked seeing Amelia happy like this. Sana ay makatawa ito lagi ng ganito. It was so refreshing to see. Ibang iba na ang pagkakakilala niya dito kesa sa una nilang pag kikita.

She knew Amelia to be strict and always on a serious mode. Pero nitong mga nakaraan ay iba ang pinapakita nito sa kanya. She wonders what Christian was thinking letting go of a woman like Amelia.

Lumamlam ang mga mata niya.

Natigilan ito sa pag tawa at tinitigan siya.

Nailang naman si Sam.

Seducing Samantha Del Rio - CompletedWhere stories live. Discover now