CHAPTER 50

1.4K 102 96
                                    

Amelia bit her lip hard at parang gusto niyang i-untog ang ulo niya sa lamesa niya. Hindi niya maintindihan kung bakit parang galit din si Sam sa kanya. Hindi ba dapat siya ang magalit? Hindi man lang ba ito mag e-explain tungkol sa naabutan niya noon sa ospital?

At hindi din ba ito nag seselos na andito na si Christian? What was that reaction?

Is it because she didn't look at Sam? Nag tatampo ba ito? Ano ba ang nararamdaman nito?

Hindi siya makatingin dito dahil alam niyang kapag tumingin siya dito ay siguradong yayakapin niya ito ng mahigpit. At hindi iyon pwede, lalo na at nasa labas lang ang asawa niya. Hindi lang nito alam kung gaano niya ito na miss. Hindi din nito alam kung gaano siya nainis nang makita itong nakayakap sa ibang babae. Even now, kapag naaalala niya ang pag kakahawak ng babaeng iyon sa bewang ni Sam ay gusto niya pa din itong kalbuhin.

What was that look, Sam?

She bit her lip dahil naalala niya ang tingin nito sa kanya nang titigan niya ito kanina. It immediately disarmed her annoyance. Kaya imbes na pag susuplada ang gagawin niya kanina ay tila nalito siya kung ano ang magiging reaction.

Hindi niya din maintindihan kung bakit malungkot na ang mukha nito bago lumabas. Maybe because she was still worried about her Dad? Yun baa ng dahilan? Ni hindi niya natanong dito kung kamusta ang Dad nito.

She sighed. She wants everything to be clear.

Gusto niyang makita ito araw araw kagaya ng dati. Kahit gustuhin niya mang ito ang gawing secretary ay hindi na pwede. Bridgette is now here and the least she can do is to let Sam train under someone capable among the staffs.

She groaned and put her head on her table.

"Honey?"

Amelia looked up. "C-Christian?"

Kumunot ang noo niya dahil akala niya ay umalis na ito at umuwi muna sa bahay nila.

"Let's go grab lunch."

Napatingin tuloy siya sa wall clock. Sakto namang tumunog ang tiyan niya. Umangat ang kanang bahagi ng labi ni Christian.

"I want to treat you. Isa pa, I want to spend some time with you."

Amelia opened her mouth and closed it again. Hindi niya maiwasang sumaya sa naririnig sa labi nito ngayon. For a long time, Christian didn't care about her and she had forgotten about it. Pero ngayon na nakikita niyang talagang nag bago na ito ay hindi niya maintindihan kung para saan ang mumunting kirot sa puso niya habang nakatingin sa nakangiti nitong mukha.

Is it because she was waiting for this to happen......waiting for him to return to that loving Christian she had known from the start? Or is it because she no longer had the same feelings for him? Masaya na lang ba talaga siyang nagbago na ito?

What is it? Amelia racked her brain for answers pero walang dumadating sa utak niya.

"Ano bang tinutulala mo diyan, Honey." Christian walked to her table. "Alam kong gwapo ako pero ganun na ba ako ka-gwapo ngayon para matulala ka?"

Totoo ang sinabi nito. He was handsome. He looks so happy and fine. Pero tila may kulang habang nakatingin siya dito.

Amelia bit her lip. "H-Hindi naman. H-Hindi lang ako makapaniwala na andito ka na. Na niyayaya mo ako ngayong kumain sa labas."

Christian sighed. "Yes. I know. I am a jerk and a bad husband. Pero, let me make it up to you. I want us to go back to the way we were. Honey."

Hinawakan nito ang mukha niya at tinitigan siya sa mga mata. Amelia searched Christian's eyes. There's full of sincerity there. But is it true? Did he really changed?

Hindi siya kumibo sa sinabi nito. Inaantay niya ang mga sasabihin pa nito.

"Alam kong nasaktan kita ng sobra. Please. Give me another chance."

Tinitigan niya ito ng matagal. Pero bakit wala siyang makapa sa dibdib niya sa sinasabi nito sa kanya ngayon? For a minute she didn't know what to say. Kaya naman tumango na lang siya dito.

Christian smiled and held her waist. "Tara?"

Sumunod siya dito nang igaya siya nito palabas. Dumaan sila sa ibang restaurant at nakita niya pa ang fastfood na madalas bilhan noon ni Sam ng cheese burger. She shook her head. Ito ang gusto niya di ba? She wants Christian's attention all to herself kaya niya nagawang akitin si Sam para lumayo ito sa asawa niya. Dapat masaya siya pero bakit parang hungkag ang pakiramdam niya?

They drove to a fancy restaurant, and Christian showed her the menu.

"Anong gusto mong kainin?"

"Just rice and that." Itinuro niya ang ulam na nasa menu. Tumango si Christian at tinawag ang waiter. Her ordered for them. Pagka-alis ng waiter ay tumingin sa kanya si Christian at pinagsalikop nito ang kamay.

"Honey..."

"Hmm?"

"A-Alam mong naging mistress ko si Sam di ba?"

Kumabog ang dibdib niya. She looked at him and waited for what he was about to say. But she nodded her head nonetheless.

"She's no longer my mistress. Five months ago, pa."

Amelia's mouth flew open. Kumunot ang noo niya. What is he saying now? M-Matagal nang tinapos ni Christian ang relasyon ng mga ito?

"S-She... she broke up with me and told me this."

Christian showed her a screen shot of Sam's message. Tila may humaplos na mainit na kamay sa dibdib niya nang mabasa ang message nito kay Christian. Sam's a pure soul.

How could she do that to Sam? Wala palang kwenta lahat ng ginawa niyang pang aakit kay Sam dahil nakipag hiwalay na ito sa asawa niya. Pero bakit hindi siya nagkalakas ng loob na tanungin kay Sam kung ito pa ba at ang asawa niya?

Binawi nito ang cellphone nito at huminga ng malalim bago ibinuga iyon. "At first I was angry and frustrated that she did that. Kasi sa totoo lang, Honey. I feel like I am falling in love with Sam. But I realize that she has a point. I was just angry about the world dahil sa pagkamatay ng anak natin. Sinisi kita pero hindi ko din maamin sa sarili ko na may mali din ako. I should have been able to take care of you. Dapat inalagaan din kita habang sinasalba mo ang kumpanyang mahal na mahal mo. I placed the blame on you because it was easy. Sam showed me that I could still repair our relationship. Kaya nag sikap ako at hindi na kita masyadong kinukulit tungkol sa pag uwi ko. Pero alam kong kahit sabihin ko ito sayo lahat. Kung wala ka namang nakikitang pagbabago talaga. Then it's useless."

Christian swallowed and held her hands. "I want to show you that I've changed. Can we try again? Can you give me another chance again?"

Amelia held her breath. Hindi siya makahinga habang nakatingin sa mukha nito at sa magkahawak nilang kamay. Nagpalipat lipat ang tingin niya doon. Sam gave her two months to sort out her feelings. Can she also do the same thing to her husband?

Huminga siya ng malalim dahil parang kakapusin siya ng hininga. She still doesn't know who she would choose. Para siyang natulak na ito ang piliin dahil ito ang nanghihingi sa kanya ngayon ng pagkakataon.

Ano ba talaga ang nararamdaman niya?

Mahal niya pa ba si Christian? Paano si Sam? Bakit laging pumapasok si Sam sa utak niya kapag kailangan niya nang mamili at mag isip. Ganito ba talaga kahirap ang pag ibig?

Amelia bit her lip hard. Ito naman ang gusto niya di ba? She wants the old Christian back. Bakit hindi niya pa kukunin ang pagkakataong ito para magbalik ang dati sa lahat? Ano ba ang nag bago?

Christian looked at her expectantly. "H-Honey...."

"A-Alright. L-Let's give our marriage another chance."

Kasal siya. She's still legally binded to Christian. Maybe it was just lust she felt towards Sam. Dahil masaya naman siya nang ngumiti si Christian sa kanya but a part of her feels hollow. At hindi niya maintindihan kung bakit. 

Seducing Samantha Del Rio - CompletedWhere stories live. Discover now