CHAPTER 74

1.1K 93 29
                                    

"Hanggang kailan mo titikisin si Amelia?"

Tulalang nakatingin si Sam sa labas ng bintana ng DRC building nang itanong iyon ni Cha. Nag init ang sulok ng mga mata niya at hindi niya na napigilan ang humikbi. Ilang araw na niya itong tinitikis at hindi niya tuloy magampanan ng maayos ang trabaho niya bilang CEO ng Del Rio's enterprise. Mabuti na lang at tinutulungan siya ni Cha. Andito ito ngayon para lang masamahan siya. But she can't function properly dahil sa mga nalaman niya.

Amelia is sending her flowers with a bunch of cards na hindi niya muna tinitingnan dahil kapag nabasa niyang lahat iyon ay siguradong tatakbo siya papunta dito. And she doesn't know if she's ready to confront Amelia and hear what she was about to say.

Paano kung sabihin nitong si Christian ang pinipili nito? Paano kung pakikipag hiwalay pala ang gusto nito? Bubuo na ng pamilya ang mga ito. She should be happy pero lalong humungkag ang pakiramdam niya. Para siyang sinaksak ng paulit ulit sa tuwing naalala ang saya sa mukha ni Christian. And Amelia was supposed to surprise him? Ano pa ba ang kailangan nitong ipaliwanag sa kanya?

Amelia is pregnant at hindi man lang nito sinabi sa kanya ang totoo. Masyado ba siyang marupok at paulit ulit lang siya nitong sinasaktan? Does she deserve the pain?

Inilagay niya ang kamay sa mukha at umiyak doon.

"Best friend...." Cha sighed. "I don't know how to tell you this. I think Amelia is also hurting and I don't think na sinadya niyang huwag sabihin sayo. Siguro natakot lang siya sa magiging reaksiyon mo----"

"But that doesn't give her the excuse of hiding it from me! Bakit niya ginawa iyon, Cha? Mukha bang hindi ko matatanggap na may nangyari sa kanila ni Christian? Why couldn't she trust me more?" She put a hand to her eyes to cover it. Nag iinit na naman ang sulok ng mga mata niya. "Now she's pregnant. I don't want to be the cause of a broken family. Hindi ko alam kung kina-karma na ba talaga ako sa mga nagawa ko noon. I am stupid to fall inlove with a married woman like Amelia. Pero hindi ko mapigilan na mahalin siya. What should I do Cha?"

Cha sighed. "The question is what would Amelia do?"

Natigilan siya sa sinabi nito. Kumirot ang dibdib niya. She doesn't want to know what will Amelia do.

Umiwas siya ng tingin. "She's texting me. Asking me to talk to her in private."

"I think you should go talk to her."

"Hindi pa ako handa Cha----"

Napalingon silang dalawa sa pintuan nang humahangos na pumasok ang secretary niya. Nagkatinginan sila ni Cha lalo na nang tumingin lang sa kanya ang secretary.

Kumabog ang dibdib niya.

"Ms. Del Rio...." Kinagat nito ang pang ibabang labi nito at tila takot na takot.

Napatayo na siya. Kunot ang noo. "What is it?"

"A-Ang Dad niyo daw po..."

Hindi siya humihinga sa pag aantay ng sasabihin nito. Her heart hammered against her chest anxiously. Ramdam niya ang bawat tibok ng dibdib niya sa tenga niya. Hindi niya alam kung handa na ba talaga siya sa sasabihin nito.

"W-What happened to Dad?" Nanginig ang mga labi niya nang tanungin iyon dito.

Cha also stood up. "Sabihin mo na Ms."

"P-Patay na po si Mr. Del Rio. T-Tumawag ang nurse at ang Dad niyo Ms. De Dios----"

"W-What?" Cha uttered in disbelief.

Natigilan siya sa sinabi nito. Her mouth hangs open. Ilang minuto siyang natulala sa sinabi nito. And when everything sinks in ay parang gumuho ang mundo niya. Her Dad is dead. The man who raised her. Wala na. Ang taong pinagtiyagaan siya sa pagiging pasaway niya.

Seducing Samantha Del Rio - CompletedWhere stories live. Discover now