CHAPTER 65

1.3K 92 30
                                    

Sam was holding her hand tightly nang magpalit sila ng pwesto ni Hana. Siya ang nasa gitna at nasa gilid naman si Sam. Her heart was beating hard against her chest habang tinititigan ang mahimbing na pag tulog nito. Ang dami nilang masasayang alaala sa hotel sa isla. At hindi na mapuknat puknat ang ngiti sa mga labi niya habang nasa biyahe sila. Pero habang papalapit na ng papalapit ulit sa hotel sa Maynila ay kumakabog na ng malakas ang dibdib niya sa takot.

She doesn't want to go with Christian at home. Hindi niya alam kung hanggang saan niya kakayaning iwasan ang asawa. But she had to take drastic measures.

"Asan na ba tayo?" Sam opened her eyes and looked around.

Napangiti si Amelia nang makita ang brown nitong mga mata. Nalulunod siya sa mga mata nito kahit na wala itong gawin. She's really hopelessly inlove with Sam.

Pinisil niya ang kamay nito na ikinangiti nito.

Even though Amelia felt sad inside, she knew she needed to let go of Sam's hand in the meantime.

"Andito na tayo sa hotel."

"Oh." Sam looked outside and her eyes immediately dulled.

Pinisil niya ulit ang mga kamay nito. "Don't worry. I'll message you later."

Nakita niya ang pag aalala sa mukha nito. Lalo na nang masilayan nila mula sa tinted na salamin si Christian. Nakaabang na pala ito sa labas ng hotel. He emerged from the security guard's office. Mukhang nakipag kwentuhan pa ito sa guard bago nito nakita ang dumating na mga sasakyan.

Nauna nang bumaba sa sasakyan ang iba nilang kasama pati na din ang Admin Head. But she and Sam waited dahil ang higpit nang hawak nito sa kamay niya na tila ba ayaw siya nitong umalis sa harap nito.

Kita niya ang pag aalala sa mukha nito at ang kaunting takot.

Napabuntonghininga siya. She knew that Sam doesn't like it when she was with Christian pero ito na muna ang kailangan nilang gawin. Hangga't wala pa ang divorce papers sa kamay niya at hindi niya pa din alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Christian sa gagawin niya.

She held Sam's face. Mabuti na lang at may divider na nakapagitan mula sa harap nila para hindi sila makita ng driver. She had it installed dahil naiilang siya dati kapag gusto ni Christian na mahalikan siya o mahawakan. She wanted some privacy and thank God she did.

"Sam." Tiningnan niya ito ng deritso sa mga mata. "I promise. Walang mangyayari samin ni Christian. I'd rather die than let him touch me." Again. Yun sana ang gusto niyang sabihin pero itinikom niya na agad ang bibig niya.

Sam closed her eyes for a moment. Lalo atang humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. "Promise me?"

Amelia bit her lip. Paano niya sasabihin ditong may nangyari sa kanila ni Christian kung ganito ang reaksiyon ni Sam sa isipin pa lang na mahahalikan siya o mahahawakan ng sarili niyang asawa. She doesn't know what Sam will do kung malaman nitong nagalaw siya ni Chrisitan nang unang araw na bumalik ito sa Pilipinas.

She nodded her head. "I promise." Then she leaned in to put a quick kiss on Sam's lips.

Sam let go of her hands and opened the door to her side. Napatingin tuloy siya sa likod nito. She couldn't look at Sam's back dahil naiisip niya agad na baka iwan siya nito kapag nalaman nito ang nangyari. She only hoped that Sam is not that narrow minded. At sana nga ay walang naging bunga ang isang gabi na iyon.

Umibis siya sa sasakyan at pinilit niya ang sariling wag na munang tingnan si Sam. She needed to act again as a wife to Christian.

"Honey!" He smiled at her at agad siya nitong sinalubong para yakapin.

Seducing Samantha Del Rio - CompletedWhere stories live. Discover now