CHAPTER 59

1.1K 73 3
                                    

For a moment. Sam doesn't know what to say. Nakanganga lang siya dito while her heart raced. Ramdam niya din ang panginginig ng tuhod niya. Then her palms also started to sweat. She rubbed it on the side of her slacks.

"I-I don't want to talk to you."

Dumiretso siya sa sasakyan niya despite the fact that Amelia was leaning on the hood of her car. Kapag hindi ito umalis mamaya dun ay mapipilitan siyang sasagasaan ito. But she doubts that Amelia wouldn't step aside kapag ginawa niya iyon.

"Please. Sam. Let me talk to you. Somewhere private."

Lumingon pa ito sa paligid. She sighed at hinarap ito. Sumunod pala ito sa kanya papunta sa gilid ng sasakyan. She was taken aback by how close they were. Muntik na niyang mahalikan ang labi nito. Bumaba tuloy ang tingin niya sa mapupula nitong labi.

She unconsciously bit her own lip. Damn it! She wanted to taste those lips again! But she knew she shouldn't. Hindi na siya babalik doon. Kasal pa din ito kay Christian at alam niyang mahal pa rin ni Amelia ang lalake. Maybe what they had was lust. Tawag ng laman lang para dito. She was nothing but a toy and she doesn't want to go back into being one.

Umangat ang tingin niya sa mga mata nito. She parted her lips nang makita niya pa ang pag tingin nito sa labi niya bago sa mga mata niya.

Her heart was racing again. She gritted her teeth.

"I'm supposed to visit my father today. I don't think I can spare anytime for you, Boss."

Nakita niya ang pangingilid ng luha sa mga mata nito. Kagat kagat din nito ng mariin ang labi habang nakatingin sa kanya. Inalis niya ang tingin sa mga labi nito and focused her eyes somewhere else dahil kung hindi. Hindi niya na mapipigilan ang sarili na yakapin at halikan ito.

She can't just understand why Amelia is sad and was about to cry.

Tumingin siya sa relo niya as if unconsciously telling Amelia to hurry what she was about to say dahil wala na siyang oras para dito. Inangat niya ang tingin para sana tingnan kong anong reaksiyon nito but her eyes became wide nang isandal siya nito sa mismong sasakyan niya.

Kulong kulong siya nito gamit ang dalawa nitong braso na nakatukod sa sasakyan.

"W-What are you doing?"

Titig na titig ito sa mga labi niya. Napalunok siya nang i-angat nito ang tingin sa kanya.

"Will this be enough to make you want to talk to me?"

"What----"

Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang halikan nito ang labi niya. For a moment, Sam freezed. Hindi niya alam ang gagawin niya dahil sobrang lakas ng tibok ng puso niya. But she must admit that she missed Amelia's kiss. Kusang pumikit ang mga mata niya but she didn't respond. Kuyom kuyom niya ang mga kamay niya as if getting strength from it not to succumb to Amelia's kisses.

Amelia was aggressive and even bit her lip in the process just to make her respond. Nalasahan niya ang dugo sa labi niya and it stings a little. But when she was about to respond and pull Amelia closer by her waist. Her phone started ringing.

Naitulak niya tuloy ito palayo sa kanya. Shit! Why did she lose it?

Hinihingal na dinilaan nito ang labi.

Sam looked at the caller ID and saw Cha's number. Lalapit sana sa kanya si Amelia but she put her hands up nang muling tumawag ang kaibigan niya. It seems that the call was urgent. Maybe its about her Dad.

Kailangan niyang puntahan ngayon ang Dad niya.

"Please stop bothering me, Mrs. Montenegro. Kung tawag lang ng laman ang hanap mo. Why don't you do it with your husband then?" Nagmamadaling binuksan niya ang pintuan ng kotse niya at sumakay doon. Hindi niya ito nilingon dahil natatakot siyang mawala ang resolve niya na huwag nang lumapit dito. She knew what she said was cruel but she doesn't want to let Amelia back into her heart nang hindi siya ang pinipili nito.

"I have to go. Tawagan mo ang asawa mo para masundo ka niya dito."

Sam saw the hurt expression from Amelia's face bago nito iniyuko ang ulo. Then she sped off and looked at Amelia in the rearview mirror. Nanatili itong nakatayo doon and her heart felt like it was being weighed down by a huge stone. Bakit umiiyak ito?

Wala sa sariling napahawak si Sam sa labi niya then she sighed.

Pangatlong araw na niyang iniiwasan si Amelia but it wasn't hard lalo na at hindi na din ito nangungulit sa kanya. Para bang sumuko na ito. Siguro ay nakaramdam na din ito na hindi na niya ito papatulan kahit ano pang pag papacute o pang aakit nito sa kanya.

Every time she felt like she was losing control. She'll run away like she was chased by a demon. A beautiful demon to be exact.

Nakatingin na lang ito sa kanya mula sa malayo. And Christian was also there sometimes. And she doesn't want to imagine anymore kung anong ginagawa ng dalawa kapag nag sosolo. Kaya nagkakaroon na din siya ng excuse para pumunta naman sa office ni Hana. Her heart aches pero yun ang ginagawa niyang dahilan para maka-move on.

Mabuti na lang at madalas ay may ibinibigay siyang folder at documents kay Hana dahil nga ito naman talaga ang duties niya. She was an Assisstant Manager to Hana. Kaya nga hindi niya maintindihan kung bakit siya pinalipat ni Amelia sa office nito.

That call from Cha is about her father at ayon sa mga doktor her father had a few days to live. Unti na lang ang panahon na nalalabi sa Dad niya. She wanted to change the clause of the will but it wouldn't be possible anymore. Her father had been bed ridden at biglang nagkaroon ng progress ang cancer nito. It came back like a plague and overridden her father's brain.

Malungkot man siya sa nangyari sa Dad niya. Alam niyang mas gugustuhin nitong magpakatatag siya para sa kumpanyang itinayo nito. She won't let that VP stole the company. Kaya naman wala siyang magagawa sa ngayon kung hindi mag antay na matapos ang trainings niya. Then she'll leave the RC2 for good. Hoping n asana ay hindi niya na makita si Amelia para makapag move on na siya ng tuluyan.

"Are you ready?"

Hana asked her. Dala dala nito ang sarili nitong maleta. Sam nodded her head and looked ahead. Amelia was there all alone on the other side of the hallway looking at her again, with the same expression of sadness in her eyes.

"Hindi ka man lang ba excited na pupunta tayo sa unang unang hotel na itinayo ni Mrs Montenegro? I head it was just like paradise on earth."

Sam winced. Paano niya ba sasabihin na dun sa hotel na iyon naputol ang tali ng pag titimpi niya? Hindi niya nga alam kung hindi niya maaalala ang lahat nang nangyari sa kanila ni Amelia kung doon siya ulit pupunta.

The things they had done there and how she realized she fell in love with Amelia. Naalala niya ang takot at galit sa dibdib niya nang malaman na may nag tangkang kumidnap dito at humalay. She knew right then and there that she's already down the rabbit hole.

Inangat niya ang tingin kay Amelia. Nag tama ang mga mata nila and her heart started racing again. Should she just talk it out with Amelia instead of prolonging her agony? Unting linggo na lang naman ang pananatili niya sa kumpanya nito. Might as well get it over with.

"Yes. It is." 

Seducing Samantha Del Rio - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon