CHAPTER 54

1.2K 110 82
                                    

Sam looked up when she heard a clearing of a throat. Agad siyang napalayo sa likod ng Admin Head nang makitang nakatayo doon si Amelia. Nakataas ang kilay nito at para siyang kakatayin kung makatingin.

Pero ang ganda pa din nito habang nakatayo lang doon. Amelia was wearing a black dress na hakab na hakab sa katawan nito. Those curves are formed like a body of a guitar. Napalunok siya ng laway niya at napaiwas ng tingin dito. Ramdam niya ang pag iinit ng mukha niya.

Bakit ba kasi hindi niya narinig agad ang takong ng sapatos nito? Maybe her and Ms. Hana were too engrossed in what they are doing.

Hana looked at her first bago nito ibinaling ang tingin sa Boss nilang lahat. Napatayo pa nga ito at yumuko ng bahagya sa masungit na aura ni Amelia.

Ano bang ikinagagalit nito? Did she wake up on the wrong side of the bed? Asan ba si Christian? Bakit ba ito nandito?

"Mam? A-Ano pong ginagawa niyo dito?"

Ms Torres asked Amelia what she wanted to know.

Amelia raised her eyebrow again and looked around bago itinuon ang pansin sa Admin Head. "Where is Sam's table?"

Kumunot ang noo niya. Bakit naman nito iyon tinatanong? But she didn't say anything dahil hindi naman siya ang tinitingnan nito.

Ms. Torres looked at where her table is. Sinundan naman iyon ng tingin ni Amelia. Napataas ang kilay nito.

"Who told you na dito siya dapat sa loob ng office mo?"

Kung may ikakakunot pa ang noo niya ay siguradong kunot na ngayon. Bakit ganito ang tono nito? Huwag mong sabihing ayaw din siya nitong dito mamalagi sa office ni Ms. Torres? Gusto ba nitong mahirapan siya?

"I-I mean ginagaya ko lang po ang strategy niyo, Mam. Hindi po ba't mas madaling mag turo kay Ms. Del Rio kung andito siya sa loob ng office ko?"

Napaawang ang bibig nito pero sumimangot din agad. Muntik nang mapangiti si Sam dahil kumibot kibot ng bahagya ang labi nito. She knew that Amelia was stunned dahil sa sinabi ni Ms. Torres.

"Ipapalipat ko ng office si Ms. Del Rio. Hahatiin ko ang training niya. I'll still train her and she can come here once a week."

It was there turn to open their mouths in shock. Nagkatinginan pa nga sila. Pero sa huli ay kumunot ang noo niya. Akala niya ba ay sa Admin na siya mag t-training? Bakit ba nag bago ang isip nito. Gusto ba talaga siya nitong pahirapan?

Hindi ba nito isinasaalang alang ang nararamdaman niya? Paano kung dumalaw si Christian sa office nito at makita silang dalawa? Siguradong malaking gulo iyon. Hindi na ba ito nag iisip? Paano kung siya ang nakakakita sa dalawa?

She opened her mouth to say something pero tinaasan lang siya nito ng kilay and she quickly closed her mouth shut. She sighed. Mas maigi nang wag na siyang makipag talo dito sa harap ng Admin Head. Baka kung ano pa ang isipin ni Ms. Torres dahil sa inaakto ni Amelia.

Ayaw niya din naman ng eskandalo.

"Sam. Follow me out. Dito ka lang sa Admin kapag Friday. So babalik ka dun sa office ko."

"Pero di ba wala na ang lamesa ko doon at----"

"Ipapabalik ko."

Napatingin tuloy siya kay Ms. Hana na napanganga na lang. She mouthed a sorry to the woman. Ms. Hana bit her lip and nodded her head nonetheless.

"Ano pang tinatayo tayo mo diyan, Sam? Get your things. Madami akong ituturo sayo sa office ko. There's so much more you need to learn at ako naman talaga ang inatasan ng Dad mo na mag turo sayo about business so. I'll continue what I'm doing."

Napalabi siya. Amelia is unbelievable. Noong nakaraan lang ay hindi siya nito tinitingnan. What is she trying to pull? Bakit parang pinapaasa na naman nito ang puso niya?

Tahimik na sumunod siya dito palabas pagkatapos niyang makuha ang gamit niya.

The click clack of Amelia's shoes echoed across the hallways. Pero hindi niya ito kikibuin. Bahala ito sa buhay nito. She was hurt. Hindi niya inaasahan ang nakita niya sa office nito. Nag m-move on na siya at kailangan niyang pigilan ang sarili na hanapin pa ito. It would be hard dahil makikita na naman niya ito 4 times a week. That would be 16 days of torture, isn't it?

She sighed.

"Hello, Bridgette?"

Napalingon siya sa likod nito nang marinig niya ang pangalan ng secretary nito. But it was a wrong move dahil natuon ang pansin niya sa ibang bagay. Her eyes dropped to those sexy curves and those plump ass cheeks.

She wetted her lips dahil naalala niya kung paano niya hawakan iyon. Damn it! Nasasaktan na nga siya ay yun pa din ang naiisip niya.

"Can you bring back Sam's chair and table at my office. Ngayon na. I want it arrange closer to my table. Pag punta ko dun sana ay naayos na nila. Thank you."

Pagkasabi nun ay lumingon ito sa kanya. Amelia turned her phone off habang nakatingin sa kanya. Huling huli siyang nakatingin sa ibaba ng katawan nito. Kaya hindi na pumasok sa isip niya ang pinag sasabi nito kanina. Ano nga ba ang sinabi nito? Damn it! Na-hypnotize na naman siya!

Amelia's lips tugged up in a smirk. "You liked what you saw?"

Kumabog ang dibdib niya. Naglumikot din ang daga sa tiyan niya dahil sa seksi nitong pag ngiti. But she need to front like she doesn't like what she saw. Kaya naman kinunotan niya ito ng noo at umiwas ng tingin dito. Hindi siya aamin.

Hindi ito nag salitang muli at nang i-angat niya ang tingin ay nakatalikod na ulit ito sa kanya. Lalo pa nga ata nitong pinag buti ang pag imbay ng balakang nito. But Sam forced herself to look away.

Kahit mahal niya ito at hindi niya mapigilan ang sarili na maakit dito. She still had her pride at ayaw na niyang pumatol sa may asawa. She had enough of that. Gusto niya nang baguhin ang sarili niya. At hindi tama ang ginagawa nila ni Amelia. Hangga't hindi nito sinasabi sa kanya kung sino ang pinipili nito. She will control herself. At hindi niya ito papatulan.

Come hell or high water.

Pagdating nila sa office nito ay ayos na ulit ang lamesa niya but it wasn't where it was before. Mas malapit na iyon sa pwesto nito.

Umawang ang bibig niya. "Bakit malapit na sa pwesto mo ang lamesa ko, Boss?"

Amelia smiled.

Sam bit her lip dahil andun pa din ang lakas ng tibok ng puso niya habang nakatingin sa maganda nitong mga ngiti. Bakit sa tuwing ngingiti ito ay apektado na lahat ng function ng katawan niya? Why did her body forget how to breath? How to beat normally? Bakit hindi maiwasan ng puso niyang maging masaya sa tuwing ngingitian siya nito?

It's unfair how Amelia could just stand there and her heart will stop beating and then beat faster and harder the next. Bakit ba siya na-inlove sa taong may sabit na? And when did she care if the person she wants ay may sabit o wala?

"Ako ang Boss, Sam. I will do what I want." Ngumisi pa ito at kinagat ang labi pagkatapos siyang tingnan mula hita hanggang sa taas ng mukha niya.

Her heart beat against her chest pero umiwas siya ng tingin dito.

"Suit yourself then, Boss." Umiling na lang siya at naupo sa dati niyang lamesa.

Pero hindi pa ata ito tapos sa kanya at talagang sumandal pa sa lamesa niya. Napataas ang kilay niya nang makita ang maputi nitong legs.

Kumalma ka! Sam reprimanded herself dahil parang gusto na niyang isalya si Amelia sa lamesa niya at halikan ito. Napapikit siya ng mariin but before she could stand up and excuse herself. Hinawakan nito ang baba niya dahilan para mapamula siya ng mga mata niya.

What is Amelia doing?

Napakagat siya ng mariin sa labi niya at nakita niya ang pag lamlam ng mga mata nito. Those gaze fell on her lips. Kahit na ang lakas ng kabog ng dibdib niya at nag iinit ang pakiramdam niya sa pag hawak nito sa kanya. She knew that what they were doing is wrong.

"Stop it, Boss. Let's be professionals here." Hinawakan niya ang kamay nito at inalis sa baba niya. Then she stood up and excused herself. 

Seducing Samantha Del Rio - CompletedWhere stories live. Discover now