CHAPTER 44

1.3K 81 8
                                    

"Are you ok, Dad?" Sam tended to her father na nakahiga lang sa higaan nito. Her father had trouble lifting his heads up 3 and a half weeks ago pa. Pero matigas pa din ang ulo nito dahil madiin itong umiling. It was a slight movement of his neck pero kita niya ang inis na lumarawan sa mukha nito. He was also still trying to lift his body up.

He also had trouble speaking and could only moan for a short time. Nag t-type na lang ito sa phone nito.

She waited for him to finished what he was typing, nang matapos ito ay ipinakita nito sa kanya ang nakasulat doon.

'Where is Amelia?'

Sa nabasa ay agad na sumikdo ang dibdib niya. Amelia....That name is a constant repeat inside her mind. Pagkatapos niyang umalis sa harap nito 3 and a half weeks ako na ang nakakaraan ay hindi niya maiwasang mangulila dito.

Her heart had been torn to pieces. Ilang beses niyang pinigilan ang sarili niya na puntahan ito.

"Sam. Tama ka. I need to sort things out first. Sana antayin mo ako."

Ano ba ang ibig nitong sabihin? Gusto na ba siya ni Amelia para sabihin nitong antayin niya ito? Hindi pa rin ba sapat ang mga panahong pinagsamahan nila para tuluyan itong mahulog sa kanya? Bakit ang dali lang niyang nahulog dito? Bakit kailangan pang mag isip ni Amelia? She had a lot of questions inside her mind pero hindi niya magawang itanong iyon dito. She was afraid of the answers.

Ilang beses niya ding kinuha ang phone niya para mag message dito, but each time she did that. She would erase it and gripped her phone tightly out of frustration. Siya ang nag sabi na binibigyan niya ito ng dalawang buwan para makapag isip. Pero sa pag lipas ng mga araw ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman niya. Gustong gusto niya itong makita. Gustong gusto niyang madama ang init ng katawan nito. Gusto niyang mahalikan ang labi nito.

But she still had a pride in her. Aantayin niya hanggang sa makabuo ito ng desisyon.

Hindi niya tuloy masabi sa Dad niya na hindi muna makakadalaw si Amelia.

Dinukdok ng Dad niya sa mukha niya ang hawak nitong phone. But it was still the same message written.

'Where is Amelia?'

Sam exhaled a breath. Her old man had a stubbornness in him na namana niya siguro dito. Hindi niya akalain na ganito din ang Dad niya. And that he was able to bond with her Boss.

"Dad, she's not coming here." She forced a smile. "Ayaw mo na ba akong makita?"

Sa sinabi niya ay umiling ito. Then he typed again on his phone. Her father showed her what he had typed.

'Why?'

She sighed. Hindi man lang nito pinansin ang huling sinabi niya.

"Hindi ka pa ba nagugutom, Dad?" She turned towards the nurse and instructed her to peel some apples and oranges. Pag baling niya sa Dad niya ay kunot na ang noo nito. She winced alam naman niyang binabago niya ang usapan. He must have catch up on what she was doing.

He furiously typed on his phone again making it click clack loudly. Pagkatapos nitong mag type ay agad nitong ipinakita iyon sa kanya.

'What did you do?'

She immediately shook her head. Napahilot siya sa batok niya. Ramdam niya kasi ang pag akyat ng dugo sa ulo niya dahil sa sinabi nito. Alam niyang kasalanan niya na ganito ang iniisip ang Dad niya. Pero akala niya ay ok na sila dahil nga sa nakita naman nito ang pag babago niya. Maybe old habits die hard. Yun siguro ang iniisip ng Dad niya.

She stared at her Dad at ganun din ang ginawa nito.

"I-Ito na po. Ms Del Rio." Her father's nurse gave her the plates full of sliced apples and peeled oranges.

She let go of the staring contest she had with her father to take the plate from the nurse. "Thanks."

Then she looked at her father again. Malalaki pa din ang mata nito at kita niya ang paglaki ng butas ng ilong nito. He was clearly pissed off. Sa kanilang dalawa, siya ang mas nakaka-miss sa boss niya, pero hindi niya masisisi ang Dad niya. He bonded with Amelia like his own daughter. Apparently, kapag wala siya ay nagpupunta ang Boss niya para makipag laro ng chess o kaya makipag kwentuhan sa Dad niya.

Huminga muna siya ng malalim bago ito sagutin. "Dad. I'm sorry. There was a misunderstanding between us. I don't think she'll be back here."

Her Dad looked away, clearly sulking.

Sam stood up, and the chair she was using made a noise, but her father didn't even look her way. Bumaling na lang siya sa Nurse nito.

"If he wants to eat. You can give this to him." Ibinalik niya ang plato dito.

Tumango naman ang nurse ng Dad niya. "Ok po Ms."

Muli siyang bumalik sa nagtatampong ama niya. "Dad. I'm going, babalik ako."

Hindi siya nakarinig ng anumang tugon mula dito. Bumagsak ang balikat niya then she shook her head. May sakit ito kaya kailangan niyang pag pasensiyahan.

She nodded one last time to the nurse before exiting the room. Deri-deritso siya sa parking lot ng ospital. Then she stopped when she remembered Amelia's outburst regarding her father and how she comforted Amelia.

Rushed emotions started to come to her, and she quickly shook her head. Why is everything reminded her of Amelia? Kahit saan siya bumaling ay si Amelia ang naalala niya.

Kumirot ang dibdib niya. Her eyes also started tearing up. Pero agad niyang pinunasan iyon. She will look like a fool crying in a parking lot and looking at a specific spot. Gustuhin man niyang burahin ang nararamdaman para dito ay hindi niya alam kung papaano.

She forced herself to look away from that spot and walked towards the direction of her car. Agad siyang pumasok doon at pinaharurot palayo ang sasakyan niya.

-----------------------------

"Your father instructed me to handle the business hangga't hindi ka pa tapos sa internship mo kay Amelia Montenegro." Mr. Hermano said that.

He was a man in his late 50's. Malaking tao ito at masyadong mataba sa edad nito. He was also wearing gold necklace na hindi na ata kasya dito. But he was always sporting it everytime na nakikita niya ito.

Kumunot ang noo ni Sam. Umayos siya ng upo mula sa swivel chair na inuupuan niya. Then she looked at the attorney next to them. Hindi niya ito bibigyan ng satisfaction na makita ang kahinaan niya.

"What does it mean, Attorney?"

The old lawyer cleared his throat and looked at the documents he was reading. "There was a clause in your father's writing. Kailangan mong tapusin ang internship kay Amelia bago niya ipapamana sayo ang lahat."

"Hindi ba pwedeng baguhin ang clause na yan? My father is getting weak everyday at hindi ko muna i-p-pursue ang internship ko kung hindi ko siya maaalagaan."

Umiling ang abogado at napabuntonghininga. "I'm sorry, Sam. But if your father wants to amend this. I am available at his disposal."

Mr Hermano smiled. "Sam. Kailangan mo sigurong tapusin muna ang internship. Your father is in good hands. May nurse siya di ba?"

Sam gritted her teeth. Mr Hermano is her father's Vice-President but he was acting like he owned the company. Sigurado siyang natutuwa ito na nasa kamay nito lahat ng ari-arian ng Dad niya hanggang may clause sa ipapamana ng Dad niya sa kanya.

"I'll ask my father about it." Tumayo siya at muling tinitigan ang matandang Vice-President. She stared at him piercely. One thing she learned from Amelia is that she needs to keep her emotion under control kahit pa gustong gusto na niyang sipain ang matandang nasa harap niya.

A successful businesswoman needs her wit with her at all costs. Huminga siya ng malalim despite the rage she was feeling. Ang init ng dibdib niya habang nakikipag titigan dito. 

"Excuse me." Pagkasabi nun ay deri-deritso siyang lumabas sa office kung saan nag m-meeting ang mga board members.

Sam closed her fist tightly habang papunta sa parking lot ng Del Rio's Corporation building. She had a bad feeling about all this. 

Seducing Samantha Del Rio - CompletedWhere stories live. Discover now