CHAPTER 22

1.5K 103 51
                                    

"Wala na ba talagang ibang rooms?" Kunot na ang noo ni Sam habang nakikipag usap sa hotel staff ni Amelia.

Amelia smiled. Tiningnan niya ang staff niya. Earlier she said to Vincent na sabihin kay Sam na puno na ang buong hotel room para wala itong kawala sa kanya mamayang gabi. Whether what she said was true or not. Yun lang ang dapat sabihin ng clerk sa front desk.

"Totoo naman, mam. All the rooms are rented because it's summer. Ganito po talaga dito. Mabuti nga po at meron pang natirang rooms."

"Pero bakit honeymoon suite?" Iwinasiwas ni Sam ang kamay sa ere.

"P-Pasensiya na po, mam." Mukhang natakot sa taas ng boses ni Sam ang staff niya. Napatingin pa talaga ito sa kanya. Nanginginig na ang labi nito.

"Madam..." She felt Vincent's tap on her right arm. Napalingon tuloy siya dito. Vincent put his mouth near her ear. "Rescue mo naman ang aking staff."

Amelia bit her lip and playfully tapped Vincent's face. "Wait lang."

She put an arm on Sam's shoulder. Saka siya humilig at tinitigan ito. "Sam... Wala naman akong gagawin sayo. Matutulog lang tayo dun."

She saw Sam took a gulp. Naningkit ang mga mata nito but Sam didn't say anything. Bumaling ito sa receptionist at pilit na ngumiti.

"I bet your boss told you not to tell me that rooms are available."

Nilingon ulit si Amelia ng staff niya. Ngumiti si Amelia dito. Ibinaling tuloy agad nito ang tingin kay Sam at umiling ng mariin.

"H-Hindi po. Kahit i-check niyo po ang database. Wala talagang available na rooms."

Nag mwestra pa nga ang staff niya sa computer nito. Sam took her arms off and went behind the reception area. Tinitigan nito ang computer ang nag-scroll scroll pa. Napalapit din tuloy doon si Amelia. Dahil mukhang ma-u-unsiyami pa ang balak niya mamayang gabi.

She looked behind Sam's shoulder and her smile widens nang wala itong makita sa database. Puro red na ibig sabihin ay puno na talaga. The only room is the honeymoon suite na talagang pina-reserve niya kina Vincent.

Amelia might have done a victory dance kung wala lang siya sa harap nina Vincent at sa mga staff niya. Kahit pa parehong kaliwa ang mga paa niya. 

Nakasimangot na nilingon siya nito. Tumuwid ng tayo si Sam at naglakad palabas ng reception area. Muli siya nitong nilingon at nakakunot pa rin ang noo.

"Saan tayo mag sisimula sa pag tingin sa mga kailangang ayusin sa resort?"

Amelia shook her head and smiled. "Mamaya na Sam. Let's eat muna."

Nilingon niya si Vincent. "Vince, prepare a lunch for us. Kumain na din kayo. And please John paki hatid ng mga gamit namin sa room. I'll show Sam around first, bago kumain."

"Bring it to my favourite place," Amelia added.

Nagsitango ang mga ito at pilya pa nga siyang kinindatan ni Vincent. Nag mwestra ito na pinag tatagpo ang kamay sa ere bago tuluyang umalis sa harap niya.

Na-e-eskandalo na umiling si Amelia. But she was also smiling. Kung pwede nga lang ay tumawa siya but Sam will be offended again. Ayaw naman niyang mas lalo itong ma-badtrip. She was just testing the water afterall.

"Tara na, Sam?"

Bagsak ang balikat na lumapit ito sa kanya. Amelia's shoulder shook. Ang cute nito. But Sam is still good to her kahit pa minsan ay nakakapikon na talaga siya. Nagtataka nga siya na kaya nitong tiisin lahat ng pang aasar niya.

Pagkalapit nito sa kanya ay agad niyang inilagay ang braso niya sa braso nito. She walked Sam to the direction of the garden she was about to show her.

Seducing Samantha Del Rio - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon