CHAPTER 81

1.7K 100 89
                                    

Amelia opened her eyes slowly. Bigla siyang napabalikwas ng bangon ng maalala ang baby niya at si Sam. But she felt a hand holding her back. Her eyes immediately watered. Everything became chaotic and she couldn't do anything again. She's useless!

"Amelia..." Bridgette's voice cracked. Niyakap siya nito.

"M-My baby, Bridge?" Her tears automatically fell down from her eyes.

She couldn't take it if she lost the child again. Kinapa niya ang tiyan niya and she let out a breath nang maramdamang andun pa ang bump sa tiyan niya.

"The baby is ok. It's a miracle that the baby was able to hold on to your womb. Bakit ba pinabayaan mo ang sarili mo? Kung gising si Samantha siguradong napagalitan ka na."

Amelia flinched when she heard the scolding in Bridgette's voice. She knew that what she did was hasty and harsh. Hindi niya alam kung anong gagawin niya kung nalaglag nga ang bata sa sinapupunan niya.

It wasn't logical at all. Naunahan siya ng emosyon niya.

She caressed her stomach. "I'm sorry baby. I would be careful. I would be extra careful next time."

Uminit ang gilid ng mga mata niya. Ayaw niyang mawala ang anak niya. Siguradong hindi niya na kakayanin sa susunod at hindi niya na mapapatawad ang sarili niya. Pero ang laki pa din ng pag papasalamat niya sa Diyos at buhay ang anak niya. But what about Samantha?

Sa naisip ay inangat niya ang tingin sa kaibigan na nakasalubong pa din ang kilay.

"S-Si Samantha?"

Bridgette looked away and sighed. "S-Samantha is in the room next to yours. She suffered a blow to her head. According to the other passengers she was halfway to removing her seatbelt nang biglang nag malfunction ang aircraft. Mabuti na lang at hindi pa ganun kataas ang nililipad ng eroplano nang mangyari iyon. Sam was saved by the seatbelt attached to her pero tinamaan siya ng maleta sa ulo. She's still not awake...."

Her friend paused for a minute. "Baka magkaroon daw ng amnesia si Sam kung hindi pa siya magigising this week. At pwede din siyang ma-coma."

"W-What?"

Tila nabingi siya sa sinabi nito. Hindi agad rumihestro sa utak niya.

"A-Ano?"

"She had some injuries but the doctor said na kung hindi pa siya magigising ngayong linggo ay baka magkaroon siya ng amnesia at ma-coma." Bridgette massaged her temple. "I'm sorry, Boss."

Bridgette hugged her and Amelia cried on her friend's shoulder. Kahit na alam niyang buhay si Sam ay hindi niya magawang mag diwang. Samantha is lying in bed and they didn't know if she will wake up or not.

She almost lost the baby too.

"Ipagdasal na lang natin na gumaling si Sam." Bridgette soothingly brush her hair.

Napakapit siya sa balikat nito habang umiiyak. Ilang minuto din silang magkayakap lang when she decided to wipe her eyes. She was aching for Sam and her heart felt like it has holes.

"G-Gusto kong makita si Sam."

"Alright," Bridgette said and called for the nurse.

The male nurse lifted her and put her on a wheelchair. Kumabog ang dibdib niya sa kaba. Paano kung mas malala pa ang nangyari kay Sam? Paano kung ayaw lang sabihin ni Bridge sa kanya?

She caressed her tummy. Baby.... we are going to visit your other Mommy. Thank you for still being here. You are a brave one, baby and I am sorry that for the second time around. I almost lost you. Promise I'll do better. I'll be a better mother for you.

Seducing Samantha Del Rio - CompletedWhere stories live. Discover now