CHAPTER 40

1.5K 89 41
                                    

Amelia sighed. Nakapangalumbaba na tinitigan niya si Sam. Nag t-type ito ngayon sa computer nito at hindi masyadong natingin sa kanya. It's been two days pero miss na miss na niya ito. So now she can't help but stare.

Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa. Sam looked ravishing today. Nakasuot ito ng isang pencil skirt na gray at light blue na blouse. Kitang kita niya mula sa pwesto niya ang mabining pag taas at pagbaba ng dibdib nito.

Amelia bit her lip. It's jiggly and soft. Alam niya na kung gaano iyon kalaki sa kamay niya. Napapikit siya ng mariin. She shouldn't be fantasizing about Sam in this broad daylight. Pero bakit kasi ganito ang suot nito? Bakit habang patagal ng patagal ay paganda ito ng paganda. The sun hitting Sam's olive skin make it shine like gold. May kaunti ding pamumula ang mga pisngi nito. And it's making Amelia squirm in her seat. Gusto niyang papulahin ang mga pisngi nito sa ibang paraan.

She closed her fist tightly para pigilan ang sarili niyang tawagin si Sam at isalya sa lamesa niya. Ano kaya ang itsura ni Sam kapag inilagay niya ito sa ibabaw ng lamesa niya. The way she wants to hike up that skirt up on Sam's leg is making her body burn. Ramdam niya ang pag iinit ng katawan niya habang titig na titig ditto.

She inhaled deeply and shook her head. Get a grip, Amelia! Hindi pa nga sigurado sa nararamdaman niya sa dalaga. But here she is again, getting carried away with her lust.

"Boss. I can feel your stare you know."

"H-Ha?" Amelia quickly took a newspaper and pretended to read it. "N-Nagbabasa ako dito ah. Pauso ka Sam."

Pagkatapos siya nitong ihatid kahapon ay hindi niya maiwasang mapangiti dahil ang gentle nito sa kanya. Ibang iba na si Sam sa dati niyang nakilala noon. She thought Sam doesn't care. But it was more on sam is a woman of action and few words.

She heard Sam's laughter. It echoed across the room and Amelia couldn't help the surged of warmth on her heart. Gustong gusto niya ang pagtawa ni Sam. It was carefree and so lively.

"Then why are you looking at me like you want to eat me."

Sam looked at her and Amelia looked away. Ang init ng mukha niya kaya pinaypay niya ang mukha gamit ang mga kamay niya. "H-Hindi ah?"

Then she cleared her throat. Umayos din siya ng pagkakaupo sa swivel chair niya. Inirapan niya ito. She was also far from the woman Sam had seen on that day that they met. Akala niya ay magagalit siya dito at lagi silang mag aaway. Ibang away pala ang gusto niyang mangyari. But she also needs to address what she was feeling with Sam dahil isang maling hakbang. She knew that she will regret it.

She was a business woman afterall. Hindi niya ugaling sumugal ng walang assurance na makukuha niya ang gusto niya.

"A-Asa!"

It earned another laughter from Sam. Ngumiti ito sa kanya. "I know what you are thinking, Boss. Want me to come over later?"

Amelia bit her lip. As much as she wants Sam to be there. She doesn't want to take Sam away from the time she could spent with her father.

Umiling siya ditto. "Sam. You need to be with your father. Saka na lang tayo kapag maayos na ang Dad mo. Besides..... "

Huminga ng malalim si Amelia. Should she say it? Hindi niya alam kung anong magiging reaksiyon ni Sam, but she's been thinking about it a lot these days. She wants to be clear and precise.

"I-I still don't know what we are."

Sa sinabi niya ay umiwas ito ng tingin. "I-It's true. Hindi ko din alam kung anong meron sa 'ting dalawa."

Sam didn't talk after that. Ramdam na ramdam niya ang tension sa pagitan nila. Amelia almost want to tap her mouth dahil sa sinabi niya. She immediately regretted it nang sabihin niya iyon dito.

Hindi niya din kasi alam kung anong nararamdaman ni Sam sa kanya. Sam didn't say anything. Ayaw niya din namang mag assume. Sam is Christian's mistress. Paano ito mag kakagusto sa kaniya. Or is it true that spaghetti really curves when it's wet?

Amelia looked at Sam's way. Ilang oras na ang lumipas at hindi pa rin siya nito kinikibo. Panis na ang laway niya. Malapit na din matapos ang work hours nila.

"S-Sam?"

Nanginig ang boses niya nang tawagin niya ito. Ramdam kasi niya ang coldness ni Sam. Kanina pa ito gumagagawa ng trabaho nito but she can feel that there was something wrong.

"Yes, Boss?"

She sighed. "I-I'm sorry. I still need time to think about us. You know that I am a married woman."

Tumayo si Sam sa pwesto nito at tinitigan siya. Sam looked at her with a piercing eyes. "Then why did you seduce me? Anong gusto mong mangyari, Amelia?"

Napalunok siya ng laway niya. Aaminin niya ba? But if she did that siguradong magagalit sa kanya si Sam. What did she do? Bakit niya hinayaan ang lahat na dumating sa ganitong punto?

Her heart started to beat against her chest. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya kay Sam. Is it lust or love? Where did the lines blurred? Is it revenge or she really wants Sam? Paano naman si Christian?

Napapikit siya ng mariin. She doesn't want to hurt Sam. Ayaw niya din itong pakawalan. What is happening to her? She inhaled a breath and swallowed but the lump on her throat prevented her from doing so.

Ibinukas niya ang bibig niya. She was about to say something nang tumunog ang phone niya. She looked at it on the table and she saw Christian's message. Her hands twitch and before she knew it inabot niya na ang phone niya sa lamesa.

Kinuyom nito ang kamay nito. Saka umiling. "Tama ka. I need to attend to my Dad. Don't say anything. I think I know the answer."

"S-Sam---"

Hindi ito lumingon sa kanya at deri-deritsong umalis sa harap niya pagkatapos kunin ang bag nito.

Amelia suddenly felt a pang of loneliness in her chest nang hindi na talaga ito bumalik. Napasandal siya sa swivel chair niya at napatitig sa kisame. She needs to give herself a time para malaman kung ano nga ba ang nararamdaman niya. Para magawa niya na ang mga hakbang na kailangan niyang gawin.

She thought she had loved Christian all her life pero ibang iba ang pinaramdam sa kanya ni Sam.

She bit her lip hard. Pumipintig ang sentido niya sa mga posibilidad na nasa utak niya. Her hands are itching to text Sam kung nakauwi ba ito ng maayos. But she put her hands into a fist para pigilan ang sarili niya. She have to take advantage of this situation para malaman kung ano ang desisyon niya.

Of whom she should choose. Is it Christian or Sam?

But Christian is already changing and they are still married, and speaking of her husband. Napatingin siya sa message ni Christian sa phone niya. She gingerly opened the message.

'Honey. I am ecstatic. Malapit na akong umuwi. You miss me?'

Amelia typed a message on her phone. Hindi niya alam kung bakit kumirot ang dibdib niya sa sumunod niyang message dito. Like a part of her is protesting yet at the same time she missed him. Is it nostalgia?

'I missed you too.'

After that Christian sent her a smiley emoji.

Napahilamos siya sa mukha niya. What should she do?

Seducing Samantha Del Rio - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon