CHAPTER 66

1.2K 91 93
                                    

"Honey."

"Hmm?" Amelia was drying her hair with a blow dryer nang lumabas si Christian mula sa shower at niyakap siya mula sa likuran. Instead of having shivers dahil na t-turn on siya dito ay dala iyon ng kilabot.

She doesn't want his touch anymore. Parang gusto niyang magsuka sa ginagawa nito. Ramdam niya na agad ang pag akyat ng mga kinain niya papunta ng lalamunan niya. She doesn't like the smell of his shower gel.

Umiwas siya nang halikan nito ang leeg niya.

"Lumayo ka nga muna Christian. Pagod ako. Gusto ko na lang mag pahinga muna. Please."

They are already at home pero hindi na ito nag open ng topic tungkol sa sinabi niya dito. It's like what she said got inside his right ear and just went right through his left ear. Isa pa na-t-turn on pa din ito kahit na suot suot niya ang tweety bird pajama na binili nito sa kanya noon? Hindi ba nito naaalala na nilayasan siya nito noon nang makitang suot niya ang pajama?

Nakita niya ang pag kunot ng noo nito dahil hindi talaga siya nag papahalik dito. Padaskol na kinuha nito ang pang shave nito ng balbas sa gilid ng salamin. He went inside the bathroom and Amelia quickly grabbed her phone nang marinig na tumunog iyon at makitang may message doon si Sam.

She immediately smiled. Mabuti at nakauwi ito ng maayos.

'Hi, Boss. Just got home. I missed you already.'

She made a quick reply and peek a look at where Christian is. Hindi pa din ito lumalabas sa banyo kaya mabilis niyang senend ang message niya. 'Me too, Sam.'

"Honey?"

"Y-Yes?"

Napabaling siya dito and Christian sweeped his hair back, making him look sexy. Napakagat labi si Amelia dahil kumakabog na ang dibdib niya sa kaba. She doesn't know how to avoid his advances. Kitang kita niya kasi ang pag bukol ng pang ibabang bahagi nito.

He was proud and looked at his lower regions while moving his eyebrows up and down. Gusto niyang mag suka right there and then. Hindi na talaga siya na-t-turn on sa ginagawa nito.

"C-Christian. Tulog na tayo? Masakit ang ulo ko. Siguro dahil na rin sa layo ng biyahe."

She put the brush down and stood up. He rolled his eyes pero tumango na lang din. Nauna na itong mahiga sa kama. Amelia took her phone with her nang tumunog iyon. Christian looked at the phone she was holding. Pasimple namang itinago niya iyon sa bulsa ng pajama niya. Then she scooted over the bed para tumabi dito. She took the phone out and put it on the bedside table near her. Hindi naman siya nag aalala na papakialaman ni Christian ang phone niya dahil hindi naman nito iyon gawain. Isa pa naka-lock din naman ang phone niya.

"Who was that? Akala ko ba masakit ang ulo mo? Bakit nag c-cellphone ka pa?" Tumagilid ito para titigan siya. "Sasakit lalo ang ulo mo at mata mo niyan."

Amelia turned her eyes towards the ceiling and closed her eyes. Ayaw niya itong kausapin muna. Pero napamulat siya ng mga mata niya nang sumiksik ito sa gilid niya at niyakap siya. Naramdaman niya agad ang pag hawak nito sa tagiliran niya pati na ang marahan nitong pag haplos haplos doon.

Tumaas ang balahibo niya. Sumalakay ang mabilis na kabog ng dibdib niya. Kahit na bagong ligo lang siya ay parang nanlagkit na agad ang pakiramdam niya dahil sa biglaang pag papawis.

She stiffened. What should she do? Should she remove his hands? Pretend that she didn't notice what he was doing at tulugan na lang ito? Napapikit siya ng mariin. She wished that the time speed up para lang makaiwas siya kay Christian.

She wants Sam's hands exploring her body, not his big scrawny hands.

"Have I told you? You look blooming these days. Ang ganda mo, Honey."

Sumiksik pa ito lalo at inamoy amoy na ang buhok at batok niya. Lalo ata siyang nandiri. Para siyang masusuka. Kunot ang noong nilingon niya ito.

"Christian....inaantok ako. Please, bukas na lang?"

Sa sinabi niya ay binawi nito ang kamay. She didn't see what he did. Pero tumalikod ito sa kanya.

Amelia sighed. She doesn't want to deprive him of what is actually his wants pero iba na ang nararamdaman niya. She doesn't want to disappoint him kapag nalaman nito na hindi na siya na-t-turn on sa mga advances nito. She would rather have Sam. Sinilip niya ito and realized that Christian was still on his back. Yun ang kinuha niyang pagkakataon para kuhain ang cellphone sa lamesa niya.

She quickly made a message to Sam. 'Sam... I'm going to sleep. See you tomorrow. I love you.'

After saying that ay napangiti siya. Lalo na nang mabilis din itong nag reply.

'Alright. Goodnight, Amelia. I love you too. See you tomorrow.'

There was a smiley emoji and a kissing emoji on Sam's message. Lalo atang lumawak ang ngiti sa labi niya at tuluyan niya nang ipinikit ang mga mata niya.

----------------------

Kinabukasan. Amelia woke up early para matakasan si Christian. She knew that he would gladly take her in the morning. Kaya naman nag madali siyang pumasok sa opisina. She was there even before 6 am. It was 5:30 when she timed in.

Muntik na nga siyang matawa nang makitang gulat na gulat ang gwardiya nang makita siya. But she didn't smile and just let him be. Mas maigi nang wala siyang maabutang staff sa umaga dahil maiinis na naman siyang nakatambay ang mga ito sa hallway at nag t-tsismisan.

Amelia looked down on the grounds of the building and smiled. She had everything she wanted and now she finally had the love that she wanted.

Nang tumunog ang cellphone niya ay agad siyang napangiti nang makita ang message ni Sam. She took her phone and reads the message. Nakapamulsang binuksan niya ang mensahe nito.

'Hi, Boss. Good morning. I'm already here at the office. Excited akong makita ka.'

Napalingon si Amelia sa pintuan niya nang saktong bumukas iyon. Sam's smiling face greeted her. Sumikdo ang dibdib niya sa saya. Ang aga aga ay kinikilig siya. It feels like her mood instantly lit up nang makita ang mukha nito. Right there is the reason she was blooming these days.

Sam was carrying a cup of coffee, newspaper and a bag of cheese burgers in her other hand.

"Sam!"

She quickly engulfed Sam into a hug. Nanlaki ang mga mata nito at umalog ang balikat sa pag tawa.

"Can you let me put down this first before you hug me this tight?"

"S-Sorry." Pinakawalan niya ito at agad na kinuha ang hawak hawak nitong bag ng cheese burger. Paano nito nalaman na nag c-crave siya ng burger? Ilanga raw na din kasi niyang hinahanap ang lasa nun. Maybe because the food on the restaurant Christian brought her to tastes bland.

"How did you know I wanted to have this?"

Kumunot ang noo nito pero natatawa pa din. "I just want you to have a good day. And a good day starts with favorite food. Tama ba ako?"

Kumindat pa ito sa kanya na ikinainit ng mukha niya. Nakakainis na nakakataba ng puso ang effort nito. Nanggigil tuloy siya bigla dito.

Ipinatong nito ang kape at newspaper sa lamesa niya. She took a whiff of the coffee and took the newspaper. Naupo na din si Sam sa pwesto nito.

She automatically smiled nang mapatingin ito sa pwesto niya. Kumindat pa siya para makita ang namumulang pisngi nito. Sam blushed and Amelia couldn't help the wide smile on her lips. Sinipsip niya ang kape at sinilip ito.

Sam began to work on her computer and Amelia couldn't help but notice Sam's cleavage from where she was sitting. Nakasuot kasi ito ng gray dress na medyo plunging ang neckline at hanggang sa kalahati ng hita nito. It was a pullover pleated skirt style.

Napakagat labi siya dahil na-i-imagine niya na agad na ang dali lang itaas ng suot suot nitong damit.

Amelia looked at the clock to make sure that what she had in mind would still be doable. Napangiti siya nang makitang mag s-six pa lang ng umaga. There's still time for what she had in mind with Sam.

Sa naisip ay nakagat niya ang labi niya. Eksaktong napatingin sa kanya si Sam at nakita niya ang pag bukas ng labi nito as if knowing what her eyes shows. 

Seducing Samantha Del Rio - CompletedWhere stories live. Discover now