Liwanag

30 0 0
                                    

Minamasdan ang dala na liwanag
Kailan kaya sasapit ang sinag?
Madilim ang paligid at may pangangamba
Tila may mangyayaring hindi maganda

Nakadungaw sa may bintana at biglang humangin
Animo'y mabangis na hayop na iba ang dating
Ang paligid ay nababalot ng katahimikan
Ito na nga ba ang tinatawag nilang kapayapaan?

Luningning ng buwan ang nagbibigay tingkad
Sa pusikit na karanasan kaginhawaan ang hangad
Bitbit ang sisidlan ng pag-asa at karunungan
Nawa'y mawakasan na ang hikahos at kalungkutan

Masisilayan ko rin ang bughaw na langit
Sa mga ningning ng tala'y tuluyang kakapit
May hangganan din ang karalitaan ng buhay
Sapagkat kasama ko ang liwanag sa aking kamay

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now