24th Poem: Bituin Ng Aking Mithiin

288 5 0
                                    

Sa isang madilim at malamig na gabi,
Minsan ay napaupo sa isang tabi.
Tinatanaw ang isang makislap na bituin,
Nangangarap na makamit ang mithiin.

Hindi sumagi sa isipan,
Na ika'y lubos na hahangaan.
Ang dating ipinagwawalang bahala lamang,
Yaon palang lubos kong hahangaan.

Iyong angking galing sa pagkanta,
Paghawak ng gitara't pagbigkas ng nota.
Ang siyang, nagsilbing inspirasyon,
Ngayon, bukas, at sa susunod pang panahon.

Ang aking hindi mabatid na nararamdaman,
Sa isang hindi mawaring kadahilananan.
Ikaw ang tanging kasagutan,
Labis kitang pinahahalagahan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Vote, comment & follow.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now