9th Poem: Pinaasa Ako! Ang Sakit!

482 19 2
                                    

Sa una akala ko siya na,
Sapagkat hinahanap ko'y sa kan'ya nakita.
Napapasaya niya ako kahit sa chat lang,
Kahit sa simpleng "Hello" man lamang.

Ako'y namangha sa guhit niya,
Sapagkat sa kanyang talento ako'y napahanga.
Sa angking galing niya sa pagguhit at pagpinta,
Ako'y napapangiti kapag ito'y aking nakikita.

Palagi kaming nag-uusap sa social media,
Na kahit dito lang ako'y nagagalak na.
Ewan ko nga ba kung bakit ako nagkaka ganito sa kanya,
Aminin ko na nga, ako'y sa kanya, sobrang inlababo na.

Pero isang araw nalaman ang balita,
Na nagpakirot sa puso ko nang sobra.
Hindi mo sinabi sa akin siya'y may kasintahan na pala,
Tila ang puso ko'y sumabog bigla.

Sinabi ko sa sarili, "bakit ikaw pa?"
Umasa nang sobra, idinulot niya sakit pala.
Sabihin ko mang, "ang tanga ko!"
Pero ano pa nga ba? Nasaktan na ako!

Totoo talaga, ang pag-ibig ay 'kay sakit,
Sapagkat ang puso ko'y sobrang nagdadalamhati.
Umiiyak, nadudurog ako sa isang tabi,
At sinasabi sa sarili, "pinaasa ako, o ang sakit!".

Mga Tula Ni Mang WengsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora