4th Poem: Salamat Sayo

688 23 2
                                    

Ako'y nasisiyahan sa iyong taglay na kabaitan
Sapagkat sa lahat ng away na naranasan,
Away na mauuwi rin naman sa kapatawaran.
Kaya ako'y nagpapasalamat sa taglay mong pagmamahalan.

Napakabusilak ng iyong puso,
Dahil ikaw ay nagsasabi nang totoo.
Sa lahat ng bagay ikaw honesto,
Kaya ako'y nagpapasalamat sa iyong tunay na pagkatao.

Minsan nga nagselos ako at nasaktan,
Dahil sa may narinig akong di ko inaasahan.
Pero laking pagkakamali ko nang ika'y pinagduduhan,
Kaya sana ako'y patawarin mo sa aking kamalian.

Dahil sa iyong pinakitang magandang pagkatao,
Ako'y taos pusong nagpapasalamat sayo.
Salamat sa iyong binigay na pag-ibig sa akin,
Pag-ibig na aking lubusang inangkin.

Kaya sa tula nalang idadaan ang pasasalamat,
Dahil ito'y sayo lamang nararapat.
Sana ang ang tulang ito'y pahalagahan mo,
Dahil ito'y para sayo lamang mahal ko.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now