Unos, Humupa Ka Na

67 0 0
                                    

Bumubuhos ang malalakas na ulan
Sabay hagupit ng hanging amihan
Rumaragasang baha sa may daan
Mga punong nagsisitumbahan.

Mga buhay na unti-unting nawawala
Tila nawalan na ng pag-asang mabuhay pa
Bakas sa mukha ang pagdadalamhati
Sa puso, sobra ang nararamdamang pighati.

Yumuko sa may silya’t nakaramdam ng panimdim
Tumingala sa langit at nanalangin ng taimtim
Sana ang delubyong ito’y humupa na
Sapagkat kami ay nahihirapan, tama na.

Paghampas ng hangin mula sa ibabaw
Mga baha kahit saan nag-uumapaw
Tayo’y huwag mawalan ng gintong pananampalataya
Sa Poong Maykapal tunay na may pag-asa.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now