Kailan?

56 0 0
                                    

Mapayapang paligid ang iyong mararamdaman
Sa pusong labis ang kalungkutan
Sinag ng araw sa kanluran
Wala na bang patutunguhan?

Bawat hampas ng alon sa may dalampasigan
Unti-unting nararamdaman ang kasakiman
Walang tigil na digmaan
Tanging dagundong ng bala ang mapapakinggan.

Kailan pa matatapos ang kasarinlan?
Sapagkat nais ng mga mamamayan ang kapayapaan
Umaasa na lamang sa awa ng Maykapal
Manalig, manalangin sa Diyos na banal.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now