16th Poem: Mahal Kita

319 8 5
                                    

Mahal Kita

Noong una ka palang nakita,
Ako'y nabighani sa maganda mong mukha.
Minamasdan ka at tinitigan,
Makita ka lang at masilayan.

At ng malaman ko na gusto mo ako,
Tumibok bigla ang aking puso.
Di ko alam kung bakit tumibok,
Sigurado ako ikaw ang dahilan nito.

Nagagalak ang puso ng malaman,
Dahil ika'y gusto ko naman.
Nahihiya kang maka usap sa personal,
Sapagkat ang puso ko ika'y mahal.

Napaisip ako na ika'y ligawan,
Salamat ng ika'y pumayag naman.
Gagawin ko lahat upang ako'y sagutin mo,
Hangarin ko ang matamis mong oo.

At dumating na din ang araw,
Na ako'y iyong sinagot ng buong husay.
Ang buhay ko'y naging makulay,
Sapagkat ika'y napabilang sa aking buhay.

At ng maging ikaw at ako,
Pinangako mo mamahalin ako ng buong buo.
At ang sabi ko din sayo,
Mamahalin kita ng higit pa sa iniisip mo.

At ang sabi ko sa aking sarili,
Pasasayahin kita hanggang makita ko ang ngiti sa iyong labi.
Hindi ko gusto na ika'y maging malungkot,
Responsibilidad kong ipawala ang iyong lungkot.

Sabi mo nga sa akin,
Na naging malambing ako kaysa dati.
Kaya't ito lang ang aking masasabi,
Para sayo iyon o aking minimithi.

Kaya't sana hindi ito ang maging katapusan,
Ng ating wagas na pagmamahalan.
At ang tangi kong hiling sa aking buhay,
Na maging tayo pa habang may buhay.

Mamahalin kita ng buong buo,
Sapagkat mahal mo din ako ng buong puso.
Kaya't sana malaman mo ang katagang ito,
Na ikaw lang talaga ang laman ng aking puso.

Gusto ko malaman mo ito,
At itaga mo talaga sa bato,
Ang salitang para talaga sayo,
I love you o saranghaeyo.

👉💑❤

Vote, comment & follow.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now