2nd. Poem: Ikaw

1K 37 18
                                    

Sa aking puso, ikaw lang ang nag iisa,
Pangako wala ng iba pa!
Ang mukha mo palagi sa aking isipan,
Matibay talaga ang ating pagmamahalan.

Palaging binabanggit ng puso,
Ang huling pangalan ko dugtong sa apelyido mo.
Ika-labing dalawa ng Sepytembre naging tayo,
Hanggang magpakailanman ikaw ang aking mundo.

Labis ang kasiyahan na tawagin kang akin,
Mahirap ipaliwanag ang nasa aking damdamin.
Sa buhay ko ikaw ay katangi-tangi,
Dinadasal sa Panginoon na ikaw ay mananatili.

Ang ideya mo, sa aking puso ay makalaktaw,
Mga paruparo sa tiyan ko sa gabi at araw.
Ang sakit na binibigay ng iba, mapapaalis mo,
Salamat sa pagiging bahagi ng buhay ko.

Sisiguraduhin aalagaan at di ka pababayaan,
Di parati ang babaeng tulad mo ay aking matatagpuan.
Pagmawala ka sa akin, yan ay di ko makakaya,
Mamahalin kita palagi ng lubos, ito'y totoo o aking sinta.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now