19th Poem: Aking Giliw

338 4 0
                                    

Mga huni nang kuliglig sa gabi,
Tila ako'y kiniliti't kinukuryente.
Sa mga haplos ng kanyang dako,
Mga ngisi niya'y hindi mawawala sa isip ko.

Tinig ng kanyang musika,
Ako'y masayang napapatingin sa kanya.
Mga himig na kaysarap pakinggan,
Siya'y mananatili sa aking diwa.

Ang pintig ng aking kaibuturan,
Ikaw ang tanging dahilan.
Napakasarap ng ika'y yakapusi't hagkan,
Ika'y almohada na sa akin nagbigay ginhawa.

Pakiramdam ko kulang kung wala ka,
Paggiliw na nga ang aking nadarama.
Sana hindi ako makaramdam ng panimdim,
Sa pagpili sayo o aking giliw.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Vote, comment & follow.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now