10th Poem: Ang Pagsasamahan Natin

451 17 6
                                    

Credits to pink_pinky_pink

Nagsimula lamang sa mga tukso ng mga kaibigan,
Na kinahinatnan ay ating malalim na pagtitinginan,
Nang sa tuwing tayong dalawa'y magkaharapan,
Mga mata nati'y di maiwasang magkasalubungan.

Aking sinta ikaw ang nagbigay halaga sa akin,
Na ani mo'y ako ay Prinsipe sa iyong paningin,
Sa iyong buhay ako lang Prinsipe na turingin,
Aking iniibig wala na akong iba pang hihilingin.

Sa araw-araw nating pinagsamahan,
Ikaw ang nagbigay ng sanlibong kasiyahan,
Na kahit minsan tayo'y may pinag-aawayan,
Sa mga dahilan na wala namang kabuluhan.

Pagsasama sana nati'y hanggang kasalukuyan,
Tayong dalawa na sana ang magkatuluyan,
Mga hadlang sana atin itong pabayaa't iwasan,
Pag-iibigan nating dalawa ating dapat pangalagaan.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now