15th Poem: Mahal Kita

335 10 0
                                    

Mahal Kita

Naramdaman ng puso ko,
Pagmamahal ko sa iyo.
Ako'y nakukuryente na,
Kung ika'y aking makita.

Mahalaga ka sa lahat,
Mahal ko ikaw ng tapat.
Sa puso't isip ko'y ikaw,
Pagkatao ko sayo lang.

Ikaw ay mahal na mahal,
Binigay ka ng maykapal.
Nagpapasalamat sayo,
Minahal mo naman ako.

Makilala ka'y sapat na,
Masilayan ka okay na.
Palagi kang iniisip,
Hanggang saking panaginip.

Tandaan mo mahal kita,
Hanggang sa aking pagtanda.
Ikaw lang ang mamahalin,
Ng sarili kong damdamin.

Vote, comment, and follow.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now