18 Poem: Panaginip Lang

340 11 0
                                    

Isang gabi nang ako'y naglalakad sa daan,
May napansin ako at nadatnan.
Isang punong malaki sa aking harapan,
Biglang nagdilim ang kapaligiran.

Mga huni ng iba't ibang nilalang,
Ang siyang aking naririnig.
Ako'y nakaramdam ng hilakbot,
May biglang sa aking humablot.

Wala akong maaninag na kahit anong liwanag,
Nasaan na kaya ang nagtatagong sinag?
Binabalot na ako ng kadiliman,
Gustong makatakas pero hindi magawa.

Ako'y litong lito na sa mga nangyayari,
Bakit pa sakin ito nagiing?
Nang sa puno na ito ako'y nakarating,
Walang katapusang pighati.

Napakadilim, nakakatakot, at walang liwanag,
Nakakasindak, walang tao, at walang maaninag.
Saan na ba ako dito sa mundo?
Sa mga kamay na kaya ako ng mga diyablo?

Hanggang kailan ako magtitiis?
Sapagkat nangyari sa akin ang 'di kanais-nais.
Walang magawa kundi maghintay,
Makatakas at makauwi ng buhay.

Nakaramdam ng pag-init sa katawan,
Nagising na puno ng pawis,
Ako'y binangungot na naman,
Salamat dahil ito'y panaginip lang.

👽💀


Vote, comment & follow.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now