Ama Pakinggan Mo

120 1 0
                                    

A spoken poetry.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nais kong abutin ang rurok ng langit,
Ang rurok ng mga tala sa himpapawid
Masaya ba? Masaya?
Sa aking hinaing, sobra ang paghihinagpis
Animo’y tinusok ka ng patalim, patalim, patalim
Patalim na sumira ng buhay mo, buhay na dating sobrang galak
Kumikinang kinang pa nga na tila parang pilak
Masakit ba? Masakit?
Oo, sigaw ng puso mo!
Kirot sa dibdib!
Hapdi!
Hagulgol!
Yan ang nararamdaman ko,
Iilan lang ang masaya, masaya, masaya
Teka, teka, masaya ba ako? Sabihin mo, oo!
Oo na!
Hindi!
Pilit mong pinaglalaban, pinagtitiisan,
Ang sakit na iyong pinapasan
Noong una akala mo’y masaya ka
Ibalik natin sa una
Nang ako’y bata pa,
Galing sa sinapupunan ni Ina
Masaya ang lahat, ngiti roon,ngiti na abot langit ang saya
Tapos na ang paghihinagpis, pagtitiis ng siyam na buwan
Lumabas na ako! Ngiti raw ako ng ngiti!
Na parang walang problema!

Hinahanap-hanap ko raw ang isang tao.
Tingin doon, tingin dito!
Wala! Wala… walang lalaki na dumating,
Masakit diba? Masakit?
Umasa kang darating siya at hahawakan ka, ngingiti sayo
Ihehele-hele ka, kakantahan ka upang makatulog
Ngunit saan ka? Nasaan….
Labis ang aking pagkalumbay,
Halos mamatay na ako sa pag-iyak
Gusto ko rin maramdaman ang pagkagalak
Nais ko ring maranasan
Na sasabihan ka ng "Anak, mahal na mahal kita"
Ni kahit isang tawag lang ng aking pangalan wala,
Nais ko... nais kong maging maligaya
Saan ba makikita ang ligaya na yan?
Mabibili ba yan? Abay kung oo, saan?
Saan makikita yan?
Nais ko rin maging masaya
Nais maramdaman ang pagmamahal ng isang ama
Lumaki ako na kahit anino niya lang ‘di ko nakita
Ni kahit haplos ng kanyang kamay hindi ko nadama
Masaya ba, masaya ba na may ama?
Araw-araw, gabi-gabi
Si ina at ako ang magkatabi
Siya ang aking tagapag-aruga
Sa sakit, sa pagkabigo, sa pagkahirap
Siya lang…
Siya lang na dapat kailangan natin ang haligi ng tahanan
Kailangan upang mabuo ang isang tahanan
Masayang pamilya
Masayang ako! Masayang kami…
Ama sana maramdaman ko rin
Ang yakap mo’t pagmamahal
Nais kong abutin, abutin ang rurok ng langit kung saan ka naroroon

Kahit masilayan ka man lang, masilayan at Makita
Ama, ama, ama…

Ama gusto kong abutin,
Ang rurok ng mga bituin
Na kahit isang kinang ng tala,

Iparanas mo, iparanas mo ang labis mong pagmamahal
Pagmamahal na sa akin mo ibibigay
Na kahit di kita nakita, alam ko sa tabi lang kita
Upang magpunas ng luhang tatagas sa aking mata,
Gagabay sa akin kahit saan ako magpunta
Ama, ama, ama…
Mahal na mahal kita,
Tandaan mo, aabutin ko ang rurok ng langit
Upang pagmamahal mo’y makamit

Ama, ama, ama…

Ngayo’y pumanaw ka na
Pagkalumbay sa puso ko’y ‘di mawala wala
Nais kong abutin mo’t patahanin ako,
Ngayon at sa habang panahon.

Ama… ama… ama..
Nais kong maramdaman mo ang kaibuturan ng aking puso
Na kung saan ikaw at ako ay nagtagpo
Ama.. ama.. ama…

Pakinggan mo ang bawat salitang sasabihin ko,
Mahal na mahal kita, kahit sa ngayo'y wala kana,
O aking ama.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now