14th Poem: Dakilang Guro

638 12 0
                                    

Dedikado para sa aking Guro.

Unang pasok palang sa school,
Nang makita siyang strikto at cool.
Konti nalang at makukuryente,
Sa kanyang ngiting nakakabighani.

Gurong mayroong ginintuang puso,
Kahit kami'y matigas ang ulo.
Sa ami'y ibubuhos ang panahon,
Upang kami'y matuto ng leksyon.

Tutulungan kaming abot-kamay,
Sa kabaitan niya at pagkamahinahong taglay.
Animo'y isang maamong kordero,
Ganyan nga ang aking guro.

Siya ay may pasan sa balikat,
Na para rin sa ikakabuti ng lahat.
Gurong nagsilbi sa aking isang bayani,
Itaga sa bato, hanggang sa huli.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Vote, comment, and follow guys.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now