Salabid ng isang Dukha

83 0 0
                                    

Tila isang maitim na pusa
Sa gabi'y nagluluksa
Nanunuklaw na parang isang ahas
Sa gabing madilim, sobrang dahas.

Nagpupumiglas ngunit di makaahon
Sa palamarang buhay dito sa nayon
Patang-pata na sa pagbubungkal ng lupa
Sawang-sawa na sa panunuksong hampas-lupa.

Mawatasan naman sana ng mga taong-bayan
Ang paghihinagpis dulot ng kahirapan
Parang isang lantang halaman
Na kusang yuyuko sa kinatatayuan.

Kailan pa kaya matatapos ang paghihirap?
Gipalpal na pagsubok ang hinaharap
Ngunit isa lamang akong taong-grasa
Wala na ba akong silbi sa ating bansa?

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now