26th Poem: Sinaktan Mo Ako!

422 7 0
                                    

Bakit kapa dumating sa buhay ko,
Binigyan mo kasi nang pighati ang aking puso.
Akala ko ikaw na talaga,
Binigay mo'y sakit pala.

Nakaramdam ako ng sobrang panimdim,
Minahal kita, sinira mo lang ang aking puso't damdamin.
Minahal mo nga ako noon nang lubusan,
Laking pagkakamali ko ng ika'y pagkatiwalaan.

Umasa ako na ika'y akin na habang buhay,
Pero ano? Ginawa mong walang halaga.
Na ang dating masaya at makulay,
Ngayon naging abo't naglaho na.

Paggiliw mo nga naman parang apoy,
Binigay mong sakit sa dugo ko'y dumadaloy.
Sana mabura na ang lahat sa atin no?
Ayaw ko kasi maisip na "Sinaktan mo ako!".

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Vote, comment & follow.

Mga Tula Ni Mang WengsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon