8th Poem: Para Sayo O Aking Kaibigan

460 21 0
                                    

O aking kaibigan,
Ikaw ang nagbibigay ng kasiyahan.
Kasiyahang nagdulot ng kabutihan,
Sana ipagpatuloy mo 'to magpakailanman.

Nais kong maging masaya ka ngayong oras,
Hinihiling ko ring bigyan ka ng sapat na lakas.
Lakas na magbibigay sayo ng kabuhayan,
Na magtuturo sayo sa mabuting kinabukasan.

Ang nais ko lang iparating sa iyong araw-araw na buhay,
Sana ipagpatuloy mo ang totoo mong kulay.
Wag mong kaligtaang palitan ang maganda mong kalooban,
Dahil ito lamang ang dapat gawin ng isang katauhan.

Laking pasasalamat ko ng ika'y makilala,
Na alam ko ang Diyos ang siyang nagdala.
Kaya palagi mo itong pakatandaan,
Na ang tulang ito ay para sayo o aking kaibigan.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now