Tula 101

113 1 0
                                    

I
Sa bawat huni ng mga kulisap
Taglay na ningning ng mga alitaptap
Nais maabot ang rurok ng ulap
Sa kadahilanang gustong makamit ang munting pangarap.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
II
Sa bawat talang natatanaw
May taong namamanglaw
Sa bawat paglagas ng dahon
May taong nakakaahon sa madilim na kahapon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

III
Sa paggising natin sa bawat umaga
Pagsikat ng araw hatid niya'y saya
Bagong hininga ang ibinigay
Ng ating Diyos na buhay.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

IV
Pagpapalain ka ng Poong Maykapal
Kung gagawa ka ng bagay na may dangal
Kaya sa oras na ika'y hihingi sa Kanya
Bibigyan ka Niya ng limpak-limpak na biyaya.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now