Alingawngaw ng Isang Sawi: Tinig ng Pighati

4 0 0
                                    

Nais kong lumaya mula sa pagkakabihag,
Kung saan ayaw mo na, ayaw nang magdusa.
Mga hapdi't kirot sa aking mga kamay,
Haplos sa mukha, tila labis ang hirap.
Sugat na parang sumpang dumapo,
Hango sa isang mangkukulam na kumupkop.
Ano pa bang magagawa kong hakbang?
Totoong ayaw ko na, di ko nais magpatuloy,
Sakit ayaw ko nang maramdaman, hirap ayaw nang danasin.
Pero heto, aking tinataglay!
Hangad ko'y makawala sa hawla ng buhay,
Maranasan ang tunay na kaligayahan,
Pangarap na lihim nang matutupad,
Mga pangako'y nawala't nangarap nang malupit.
Sa pagsikat muli ng araw,
Dasal ko'y sana'y sumiklab at mag-ambunan-
Mag-ambun ng ligaya, pawiin aking labis na pighati.
Tapos na, ako'y pagod na!
Malanta't parang halamang laylay,
Tulad ng bata sa kalsada, walang patutunguhan,
Ano pa nga ba?
Parang hinihingalo na sa pasakit ng nararamdaman.
Sakto na, wakasan na ang paghihirap,
Wakasan na ang pagpapanggap!
Sapat na ang kamangmangan,
Nawa'y maging patas na ang hatol,
Sa pagkamatay ko, isang inosenteng bata'y aking tinuldukan.
Wala ako sa tamang katinuan,
Walang kaalam-alam sa nagawa kong kahindik-hindik.
Tila sirang plaka, paulit-ulit na bulong--
Walang kamalay-malay, wala akong kaalaman.
Pero bakit nga ba ako naging kriminal?
Maalam kayong hindi ako mamamatay-tao,
Walang hangad na sumira ng buhay, wala akong kaalaman sa naganap.
Sobra na! Sakit na't hirap na't karampatang pagluluksa.

Luha at ulan, magkaagapay sa pag-iyak.
Sa buwan humihiling,
Sa mga bituin na nagmumungkahi-
Sana'y ako'y mapatawad,
Sa aking nagawang kasalanan!
Ako'y pinilipit, ikinulong!
Lubos na pinahirapan.
Tatanggapin kong may kasalanan ako.
Nagkasala ako.
Ngunit sana'y maunawaan ninyo,
Na ako'y isang sawing siraulo lamang
At walang kamalay-malay sa mga nagawang kapahamakan.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now