𝓪𝓴𝓲𝓷𝓰 𝓹𝓪𝓻𝓾𝓹𝓪𝓻𝓸 🦋

6 0 0
                                    

Nakatanaw sa gabi't bituinang kay tamis
Pilit inaalala'y mga alaala ng dilim
Pag-ibig nati'y parang lihim na apoy
Nagliliyab, naglalaho, tuluyang dumadaloy.

Sakit at pait, tadhana'y nag-aalinlangan
Parang sugat, tila ba'y walang hangganan
Pagsuyo'y naglaho, mistulang nawalang saysay
Marahil sa hangin, mga alaala'y sumasabay.

Binabaybay ang tala sa'king paningin
Kasabay ng mga patak ng lungkot na lihim
Sana'y makamtan at tuluyan sa pagkumpas
Paalam, sa'yong paglipad, paruparo kong hiyas.

*
photo from: Pixabay

Mga Tula Ni Mang WengsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon