Diwa ng Pasko: Masalimuot ba?

16 0 0
                                    

Malamig na simoy ng hangin sa kanluran
May dala bang biyaya at kasiglahan
Namumutawi ang lamig at init sa katawan
Ano na nga ba ang nagaganap sa lupang silanganan?

Parating na ang hinihintay ng lahat ng mamamayan
Paskong kay saya tila binalot ng kadiliman
Gipalpal na dagok ng buhay ang dumaan
Wala na yatang pananabik ang paskong kinagisnan

Madilim na pagsubok ang dala ng mapaniil na kahapon
Layunin ng karamihan sugpuin ang sagwil at makaahon
Diwa ng kapaskuhan ay nais muling madanas
Liwanag, ligaya, pagmamahal at pagbibigayan ang siyang lunas

Masisilayan din ang dating sigla na ating hinahanap
Hanging may dalang pag-asa ay ating malalanghap
Kung magkasama ang lahat ng mahal sa buhay at may payapa
Diwa ng pasko ay kailanman hindi magiging masalimuot pa

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now