Aking Paruparo

62 1 0
                                    

Pinagmamasdan ang madilim na kalangitan
Pilit na inaalala ang mapait na nakaraan
Pagmamahalan na maituturing apoy
Mainit at tuluyang dumadaloy.

Sakit at hapdi ang nararamdaman
Animo'y sugat na mahirap lunasan
Pag-iibigan na tuluyang kinalimutan
Itinatangis ang maralig na alaala sa may durungawan.

Tinatanaw ang maluningning na mga tala
Sabay patak ng bubutil-butil na luha
Sana ay tuluyan ng makalimutan
Mahal kong paruparo, paalam.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now