𝓽𝓪𝓴𝓲𝓹𝓼𝓲𝓵𝓲𝓶

18 0 0
                                    

Sa paglubog ng araw animo'y isang alingawngaw
Tila'y nakikipag-usap ang hanging mapanglaw
Sa tabi ng ilog mistulang pusang gala
Aking katoto, handa ka na ba?

Pagbilang ng isa, dalawa at tatlo tumaas ang aking balahibo,
Napagawi sa aking likuran wala namang tao.
Tahimik ang paligid habang nakatanaw sa may ilog Pasig,
Nakaupo sa gilid, sikat ng araw, hindi kaibig-ibig?

Parating na ang takipsilim unti-unti ng dumidilim,
Naririnig ko na ang huni ng mga kuliglig, nakakahumaling.
Napagtanto na ako nalang pala mag-isa ang naririto,
Biglaang nanuntok ang dibdib, bakit parang may nagbago?

Ang palibot ko'y naging kagubatan,
Naglaho na ang ilog sa aking harapan, sikat ng araw, nasaan?
May mga alulong ng mga nilalang na hindi ko alam saan nanggagaling
Karima-rimarim na mga pangyayari, ano na ang aking gagawin?

Bigla akong nagkaroon ng pag-asa ng may nakitang liwanag,
Tumakbo ako't tinungo ang luningning, pero sandali,
"ba't hindi ko na maaninag?"
May bumulong sa akin,
"Erwin, gumising ka na sapagkat tayo'y may klase pa"

Ako'y naalimpungatan, at nagulat sa mga pangyayari,
Panaginip lang pala at napagtantong may klase pa kami kay Ginoong Joey.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now