12nd Poem: Makapiling Ka

338 12 0
                                    

Makapiling Ka

Araw-araw iniisip ko ang maamo mong mukha,
Ang mga mata mong kumikislap na parang tala.
Nagagalak ang puso ko ng ika'y makilala,
Kaya pag-ibig nati'y alagaan ng sobra.

Pero lubos kong kinalulungkot ng malaman,
Na ika'y hindi makita ng harap-harapan.
Sapagkat ako'y sa probinsiya at ika'y sa siyudad,
Ika'y makita ang tangi kong hinahangad.

Gusto ko sanang ika'y makasama,
Kaso hindi pwede, tayo'y nag-aaral pa.
Iniisip palagi sa aking isipan na,
Masaya ba tayo kung tayo'y magsama?

Sabihin ko mang kahit LDR tayo,
Pag-ibig ko sayo'y hindi naman maglalaho.
Ika'y bukod-tangi sa aking puso,
Tandaan mo, ikaw lamang ang mamahalin ko.

Sana ika'y balang araw makita,
Sapagkat ang sarili ko'y sabik na sabik na ika'y makasama.
Palagi mong isipin na kahit malayo tayo sa isa't isa,
Ikaw parin ang laman ng buong pagkatao ko, o aking sinta.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now