13th Poem: Tungkol Sayo

321 13 0
                                    

Unang pasok ko lang sa school,
Nang makita siyang cute at cool,
Konti nalang at maaagaw buhay,
Na parang kinuryente sa lamig ng kamay.

Gintong kutsara sa kanyang bibig,
At sa pabango'y amoy pinipig,
Dito'y nahuhulog at sa kaniya'y umiibig,
Pati sa boses nya'y ginintuang tinig.

Isang bagay lamang ang aking masasabi,
Sa babaeng mahal at aking pinili,
Hindi kailanma'y bibilugin ang ulo,
Ito'y paniwalaan at itaga sa bato.

Di makapagbasag-pinggan, sa kanyang lagay,
Sa kabaitan niya at kahinhinang taglay.
Animo'y isang maamong kordero,
Dahilan sa kaniya'y, nagkagusto ng lalo.

Tuwing siya ay aking nakikita,
Na parang anghel sa balat ng lupa,
Pag kasama siya'y tila kiti-kiti,
Sa hindi masukat na pagkabighani.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now