30th Poem: Nakaraan Ko'y Babalikan

343 3 0
                                    

Nagtatampisaw sa may batis at dalampasigan,
Binabaybay ang napakalinaw na katubigan,
Animo'y ako'y isang agos ng tubig na dumadaloy,
Hindi magpapaawat, sige lang tuloy.

Pumupunta sa kapatagan para maglaro,
Ng mga katutubong laro tulad ng patintero,
Kahit nabubugnot na si nanay,
Hindi pinansin, sige laro pa rin.

Pumupunta sa bukid para mang-aso ng ibon,
Kasama ang mga pinsan, umaga hanggang hapon.
Minsa'y nadudulas pa sa daan,
Sa halip na tulungan, tinawanan pa.

Nang-aani ng mga palay sa bukirin,
Kahit nangangati, tuloy pa rin,
Nagsasabuyan ng mga putik at dayami,
Mga tawa sa ami'y nanatili.

Mga alaala'y kaysarap balikan,
Ngiti sa aking puso hindi maikintal,
Napakainam ng aking nakaraan,
Ako'y lubos na nagpapasamat sa Poong Maykapal.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Vote, comment & follow.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now