Kal Bar Yo

23 0 0
                                    

Mainit na hangin ang namumutawi sa aking katawan
Tila ako'y nasa impyerno at hindi ko matakasan
Animo'y isang asong pinapaslang
Sumisigaw sa malapit na niyang kamatayan

Hindi makagalaw nakaposas ang kamay
Pumipiglas at paghihirap na walang humpay
Umiiyak, nagdadalamhati sa hustisya
Kailan ko kaya matatanaw ang umaga?

Hindi ko na maaninag ang sinag ng araw
Wala na yatang ningning ang tala na aking tanaw
Nakadungaw ako sa malinis na kalangitan
Naghihintay sa tinatawag nilang kapayapaan

Mga Tula Ni Mang WengsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon