Paalam Aking Tala

67 1 0
                                    

Mga musikang pumapasok sa aking isipan
Huni ng mga kuliglig na 'kay sarap pakinggan
Pagkinang ng mga tala sa kalangitan
Iyong mga ngiti na 'kay sarap titigan.

Masayang kahapon na tayo'y magkasama
Tila nagbago ang iyong timpla
Magandang mukha na aking hinahangaan
Nararamdaman ko'y nalanta na parang halaman.

Mga tugtuging hango sa pag-ibig
Aking kinalimutan gaya ng huni ng kuliglig
Namamanglaw na ang aking damdamin
Sa paglisan nakaramdam ng panimdim.

Mababalik pa kaya ang pagkislap ng tala?
Pagkinang ng ating maligayang alaala
Sa bawat segundong lumilipas
Ating paggiliw ay tuluyang kumukupas.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now