Pagpatak ng Ulan

78 0 0
                                    

Sabay-sabay na pumapatak ang bubutil-butil na ulan
Tila basing sisiw sa bako-bakong daan
Naglalakbay patungo sa kaginhawahan
Pighati sa sarili hanggang kailan?

Sa puno ng akasya sumilong at tumingala
Sumagi sa isipan ang maralig na mga alaala
Pilit na nilalabanan ang pagdadalamhati
Nais makaahon sa nararamdamang sakit at hapdi.

Habang nalalagas ang mga mumunting dahon
Patungo sa ilog na kailanma’y hindi inaalon
Ngunit ang ilog na ito ay muling mabubuhay
Aalon at magkakaroon nang kulay.

Tumila na ang malakas na pagbuhos ng ulan
Tila nagkaroon na nang pagkagalak ang lungkot na nararamdaman
Ngayong nakaahon na ako sa kadena ng buhay
Salamat, naramdaman ko na rin ang sayang tunay.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now