Muling Pagsikat ng Araw

98 1 0
                                    

Sumasabay sa musika ng mga kuliglig
Kislap ng mga tala pagdaloy ng tubig
Mga himig na kailanma'y isang dagok
Hiram na alaala sa madilim na pagsubok.

Huni ng mga ibon sa puno ng akasya
Animo'y isang kantores sa himig na dala
Mga nagsasayawang mga bulaklak
Nagdulot sa marami ng pusong busilak.

Nagbunga ang isang silabid ng mga dukha
Pinalitan ng saya't ngiti sa mga mukha
Sa pagsikat ng araw sila'y masisilayan
Panibagong yugto ang mararanasan.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now