Kasalanan ko ba Talaga?

69 0 0
                                    

Nais kong makawala sa pagkagapos
Yong tipong ayaw mo na, ayaw mo nang nahihirapan.
Mga hapdi at kirot sa aking kamay
Haplos sa aking mukha, masakit, sobra!
Sugat na animo'y isang sumpa,
Na galing sa isang mangkukulam.
Ano kaya ko pa ba?
Sa totoo lang ayaw ko na,
Ayaw ko nang magdusa, ayaw ko nang nahihirapan. Pero wala, titiisin ko nalang!
Nais ko mang makawala sa kadena ng buhay
Maramdaman ang maralig na tunay,
Isang pangarap na hindi na matutupad
Mga pangakong tuluyan nang lumipad.
Sa muling pagsikat ng araw,
Hiling ko na sana'y bumuhos at umapaw-
Umapaw ng kasiyahan para maibsan ang aking labis na kalungkutan.
Wala na, sarili ko'y lanta na parang isang munting halaman sa bakuran,
Parang isang musmos sa gitna ng daan
Ano pa nga ba? Parang mamamatay na sa sakit na nararamdaman.
Tama na, tama na ang pagpapahirap
Tama na ang pagpapanggap!
Tama na ang pagiging tanga
Nawa'y bigyan na ng hustisya,
Ang pagkapatay ko sa isang inosenteng bata.
Wala ako sa aking wastong pag-iisip
Ni hindi ko alam ang aking ginawa
Parang isang sirang plaka na pautal-utal akong nagsasalita--
Wala akong alam, hindi ko alam.
Pero bakit ako nakapatay? Alam niyong hindi ako mamamatay tao,
Hindi ako kumikitil ng tao, wala akong alam sa ginawa ko.
Tama na! Nahihirapan na ako!
Umiiyak, tumutulo ang luha sabay patak ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Humihiling sa buwan,
Ibinubulong sa kumikinang na tala-
Na sana'y patawarin ako,
Patawarin ako sa aking nagawa!
Iginapos ako, kinulong!
Sinaktan ng lubos.
Aaminin ko may sala ako.
Nakapatay ako.
Pero sana'y mawatasan niyo,
Na ako'y isang siraulo.
At walang alam sa ginawa kong gulo.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now